• YAPAK

YUMAMAN: Buhay ang Puhunan

Updated: Jun 30, 2020

isinulat ni: Makatang Manunulat




Sariwa pa sa'king isipan,

Mga araw na si 'Ina' ako'y pinangangaralan;

Pinagsaulan,panahong tumatak sa isipan,

Dinisiplina kaming ,may takot sa kaitaasan.

Gusto ko mang pigilan ang 'yong pangingibang bayan,

Hindi ko magawa dahil kinakailangan;

Oo,masakit sa kaibuturan ng kalooban,

Pag-alis mo'y naging makabuluhan ,kahit kami'y nawalan.

Guminhawa buhay namin sa 'yong pagiging alipin,

Tinustusan mo ng pawis,aming pangangailangan;

Edukasyon nami'y natapos, nang may karangalan,

'Ina'...hindi ka namin kailan man malilimutan.

Sulit ang iyong paglisan ,sa'ting mundong ginagalawan,

Nag-iwan ka ng pangalang 'di malilimutan;

Baon mo sa 'yong pag-alis ang perlas ng silanganan,

Saludo kami, sa aliping nagpayaman na buhay ang puhunan.




78 views0 comments

Recent Posts

See All

"HAGDAN"

Yapak London Organisation Company Registration: CN202006255 I Securities and Exchange Commission Philippines and Adopted Charity of Prospero World, United Kingdom