VOTE I Raymond ng Nueva Ecija I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 8 Raymond ng Nueva Ecija

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay...

Raymond Tasoy

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang

damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________


Taga saan ka at ano ang gusto mong ibahagi sa lugar mo na pwedeng ipagmalaki o pasyalan ng mga makakabasa?

Ako po ay taga-Gapan City, Nueva Ecija at ang tanging maipagmamalaki ko po na maaaring pasyalan ng mga makababasa ay ang mmga pamosong pasyalan ditto sa amin. Kabilang dito ang National Shrine of Divina Pastora, mga Ancestral House na tinirahan ng ilang mga bayani at artista at syempre ang kilalang Minalungao National Park.


2.Sino o ano ang nakapag-impluwensya sa iyo para mahiligan ang paggawa ng tula o spoken word poetry?

Isa sa mga nakaimpluwensya sa akin sa paggawa at pagbigkas ng tula ay ang aking idolo na si Juan Miguel Severo. Unang beses ko pa lamang na narinig ang kanyang boses at kung paano niya bigkasin ang kanyang mga naisulat na pyesa ay nagustuhan at nahalina na niya ako.


3.Bukod sa PH frontliners, sino ang naging inspirasyon mo sa paggawa ng tula at pagsali sa kompetisyon ito?

Bukod sa PH frontliners, inspirasyon ko rin sa aking mga inilalathalang tula ay ang aking pamilya at bansa. Gusto kong gisingin ang kanilang kamalayan sa pamamagitan ng aking mga tula. Sila rin ang karaniwang paksa ng aking mga isinusulat na tula.


4.Ano ang mapapayo mo sa mga kabataan na nais lumahok sa ganitong kompetisyon?

Ang maipapayo ko lang sa kanila ay h’wag kayong mahihiya na ilabas ang inyong natatagong galling, dahil sinisigurado ko na darating ang araw na sa talento niyong iyan ay d’yan kayo mas lalo pang yayabong.


5.Base sa iyong sariling karanasan, ano ang gusto mong sabihin sa mga kabataan lalo na sa nawawalan ng ganang magsulat o ano ang mapapayo mo sa kanila para mahikayat na huwag sumuko sa kanilang talento?

Para naman sa mga kabataan na tulad, kung kayo ay nawawalan na ng pag-asa o gana sa pagsusulat, pahinga lang kayo ng sandal baka kasi ang kailangan niyo lang ay kaunting pahinga para muling bumangon. Huwag na huwag titigil at hihinto sa pagsulat ng mga tula na gigising sa kamalayan n g bawat isa, dahil kapag gusto mo talaga ang ginagawa mo hindi ka magsasawa kahit na nakapapagod.


6.Kahit anong mensahe na maaari mong isama.

Tandaan lamang na panatilihin na nakaapak ang ating mga paa sa lupa kahit na kabi-kabilang pagkilala ang ating natatamasa. “We write to express, not to impress!” Mas malaking parangal ang karanasan kaysa sa mga medalyang iyong matatanggap, ang mga iyong ay tanging bonus o pribilehiyo na lamang dahil sa iyong kahusayan. PADAYON MGA MANUNULA(T)!





Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK.

© 2020 Yapak London