VOTE I Ofelia ng Caloocan I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 14 Ofelia ng Caloocan

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay...


Ofelia Gonzales Capariño

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag angkanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________

1. TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?


Ako po ay mula sa siyudad ng Kalookan na kilala bilang isa sa mga makasaysayang pook sa Pilipinas sapagkat ito ay naging sentro ng mga aktibidad ng Katipunan noon. Isa sa mga pinakakamangha-manghang likhang-sining sa bansa na matatagpuan dito ay ang Pambansang Bantayog ni Gat Andres Bonifacio o ang Andres Bonifacio National Monument na obra maestra ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal Guillermo Tolentino. Ang dambanang ito ay pagkilala para sa pambansang bayani at tagapagtatag at Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio.


2. SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?


Natuklasan ko ang pagsulat ng tula noong ako'y nasa hayskul pa lamang dahil sa mga takdang aralin hanggang sa lumaon ay napagtanto ko na isa pala itong mabisang paraan para malaya kong maipahayag ang aking damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng pagsulat. Simula noon ay nagsesearch na ko sa internet kung ano ang iba't ibang paraan ng pagsulat ng tula. Nanonood na Rin ako ng mga videos hanggang sa natuklasan ko ang spoken poetry. Humanga ako sa husay ng mga makata tulad nina Brian vee at Juan Miguel severo. At sa iba pang mga manunula tulad ni Sarah Kay.


3. BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?


Maliban sa mga magigiting nating front liners, isa sa mga inspirasyon ko sa paggawa ng tula at pagsali sa kompetisyong ito ay ang mga kaibigan ko na nag-udyok at tumulong sa akin hanggang dulo. Sila sina Jamaicah Leigh Agullana, John Vincent Merantes at Karl E. Salas. Sila yung mga taong kasama ko sa laban at nagbibigay ng lakas ng loob sa akin para huwag sumuko. Gayun na rin ang aking kapatid na si Cristine Joy Capariño na sumusuporta saken ng buong buo. Kung hindi dahil sa kanila baka sumuko na ko at pinanghinaan ng loob. Kaya Lubos lubos ang pasasalamat ko sa mga taong ito.


4. ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?


Para sa lahat ng mga kabataan na gustong lumahok sa ganitong kompetisyon, maipapayo ko lamang na huwag kayong mawalan ng pag-asa. Huwag sana kayong pangunahan ng takot o pangamba. Magtiwala ka lang sa sarili mo at higit sa lahat sa Diyos na nagbigay ng talento sayo. Gamitin mo ang talento mo, hindi lang para sa sarili mo kundi para sa taong nakapaligid sayo at higit sa lahat sa bayan. Maging Mata at boses ka ng lipunan.


5. BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO


Kung nawawalan ka ng gana magsulat, hindi mo kelangan pilitin ang sarili mo. Baka kailangan mo lang magpahinga saglit o magmuni muni. Ang pagsulat ay hindi sapilitan, ito ay malaya. Ibase mo 'to sa damdamin mo. Kung anong nararamdaman mo o naiisip mo, isulat mo. Kung anong nakikita mo at sa tingin mo kelangan mong isulat, paghugutan mo ng inspirasyon. Maging malaya ka. At kung dumating ka naman sa punto na pasuko ka na, balikan mo lang yung mga taong minsan mo nang inidolo. At balikan mo yung dahilan kung bakit ka nga ba nagsususulat? Para saan?. Magpatuloy ka Lang. Maswerte ka dahil nasa sa'yo ang talentong iyan, kaya paglinangin mo sana at gamitin.


6. KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA


Maraming salamat YAPAK sa lahat ng oportunidad para sa aming mga kabataan. Salamat dahil sa pamamagitan ng mga aktibidad mula sa inyo ay nagagamit,nalilinang, natutuklasan namin ang mga kakayahan namen. Salamat sa inspirasyon dahil dito ay mas lumalalim ang pagmamahal namin sa sarili nating bayan at mas nagiging bukas kami sa suliranin nating mga Pilipino.





Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London