VOTE I Nechole Jayne ng Nueva Vizcaya I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 3 : Nechole Jayne ng Nueva Vizcaya

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon


Website:

Comment or share this link to your social media accounts




CONGRATULATIONS para kay... Nechole Jayne Garcia

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon. Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition



1. TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?

Ako po ay mula sa bayan ng Aritao, lalawigan ng Nueva Vizcaya - ang Citrus Capital ng Pilipinas. Bukod sa agrikultura at mga produkto na aming mailalahad, ang aming lalawigan ay kilala rin sa mga lugar na patok sa mga turista at sa mga maka-kalikasan. Ilan na rito ang Capisaan Cave (Fifth longest cave system in the Philippines - 4.2 km) sa bayan ng Solano, St. Dominic Cathedral (said to have the best sounding bell in the Philippines), People’s Museum and Library, at Provincial Capitol (“Luneta of the North”) sa bayan ng Bayombong, St. Vincent Ferrer Church (constructed in the 16th century and is considered as one of the oldest churches in Northern Luzon - declared as National Cultural Treasure by the National Museum) at Dampol Bridge sa bayan ng Dupax del Sur, Mt. Pulag National Park (the highest peak in Luzon - 2,992 meters above sea level) sa bayan ng Ambaguio, Lower Magat Eco-tourism Park sa bayan ng Diadi, Mt. Palali at Mappallao Falls sa bayan ng Quezon, Galintuja Falls sa bayan ng Alfonso Castañeda, Malabing Valley Citrus Farm, Lion Alayan Cave, at Edralin Falls sa bayan ng Kasibu, Balete Pass at Imugan Falls sa bayan ng Sta. Fe, Salinas Salt Spring sa bayan ng Bambang, Mt. Ugu sa bayan ng Kayapa, at marami pang iba.




2.SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?

Simula pagkabata, nagkaroon na ako ng hilig sa pagdudugtong-dugtong ng mga salita ngunit kadalasan ito ay hanggang apat na linya lamang. Bukod sa mga napapanood ko sa social media, ang naka-impluwensya sa’kin na magsulat ng tula ay ang aking mama at lolo na may koleksyon ng mga libro. Ang aking hilig ay hinasa naman lalo ng aking mga guro sa elementarya at sekondarya.


3.BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

Ang mga frontliners talaga ang pangunahing dahilan kung bakit ako sumulat at sumali sa patimpalak na ito. Ngunit bukod sa kanila, ito rin ay para sa ibang tao na hindi nakikita ang sakripisyo ng mga frontliners sa panahon ng pandemya. Sinulat ko rin ito upang isiwalat ang trabaho at kahalagahan ng mga frontliners sa mga taong hindi sumusunod sa mga patakaran at hindi umiintindi sa sitwasyon ng karamihan.


4. ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?

Para sa mga kapwa ko kabataan, sasabihin ko na wag silang matakot sumubok. Sa pagsali nila ng kompetisyon tulad ng ganito, wag lang mag-focus sa premyo. Dapat din ay makaramdam sila ng saya sa kanilang ginagawa, sa pagpapakita ng talento nila at sa pagpapahayag ng mensaheng gusto nila isiwalat. Wala limitasyon sa kung anong kaya nilang gawin at walang pumipigil sa kanila sa mga bagay na gusto nilang abutin.


5.BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO

Write to express, not to impress. Sa pagsusulat, hindi ka lang dapat nagsusulat para sa ibang tao, kailangan ding magsulat para sa sarili mo. Sa tingin ko natural lang naman ang mawalan ng gana at tamadin sa pagsusulat (dahil naranasan namin yun ng mga kapwa ko manunulat) pero sa tuwing mangyayari yun, maiging alalahanin kung bakit nga ba tayo nag-umpisang magsulat at ang rason kung bakit patuloy tayong nagsusulat.

Ang kakayahan upang mailipat ang ideya mula sa isipan papunta sa papel ay isang talento o kakayahan na hindi lahat ay kayang gawin. Ang pagiging manunulat ay isang pribelehiyo. Ang pagsuko sa pagsulat ay parang pagbitaw sa regalong ibiniyaya sa’yo.


6. KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA

Ako, si Nechole Garcia, ay lubos na nagpapasalamat sa buong pamilya na bumubuo sa YAPAK na nagbigay ng pagkakataon sa amin na ilahad ang aming talento at mensahe sa mga bayani natin ngayon. Salamat po. God bless!





Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London