VOTE I Michael Andrei ng Camarines Sur I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 7 Michael Andrei ng Camarines Sur

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay...

Michael Andrei Velasco

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________



1. TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?

Ako po ay taga Pamplona, Camarines Sur. Napaka rami pong mga lugar dito na karapat dapat ipag malaki kagaya ng mga Beaches, Bundok Isarog, mga original delicacies at ang mga tao mismo.


2.SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?

Si Juan Miguel Severo po ay ang aking Idol pag dating po sa pag susulat ng mga tula at pati nadin sa pag perform nito. Inspirasyon ko ang aking mga magulang, mga kabataan, bawat tao sa lipunan at ang mga isyu sa ating bansa at sa mundo upang patuloy na magsulat, mag bigay ng kaalaman at ibahagi ang aking saloobin.


3. BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

Bukod sa mga front liners, sumali ako dahil narin sa mga taong sumuko na, at sa mga taong patuloy parin na lumalaban sa hinaharap nating hamon ngayon.


4.. ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?

Tayong mga kabataan ay isa sa mga uri ng tao sa lipunan na hindi masyadong napakikinggan na tila wala tayong boses. Kaya kung merong pag kakataon na makasali sa ganitong klaseng patimpalak, agad ninyo itong gamitin hindi lang para manalo, o maipakita ang inyong talento kundi ang maging boses ng mga kapwa natin kabataan at isigaw ang mga hinaing sa pamamagitan ng tula. Patuloy lang tayong mag sulat dahil hinding hindi naluluma ang tula.


5. BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO

Patuloy lang tayong mag sulat dahil hinding hindi naluluma ang tula. Ang pag sulat at pag kabisa ng tula ay isa sa mga bagay na kailangan nating isabuhay at ipag tuloy hanggang may kakayahan pa tayo. Hindi dapat tayo matakot na ibahagi ang ating mga saloobin at hinaing sa pamamagitan ng pag susulat at pag bigkas ng tula. Minsan narin akong natakot dahil sa aking tula na patungkol sa aking paaralan. Samu't saring opiniyon at papuri ang aking natanggap kaya't binalot din ako ng pangamba. Ngunit ito ay nag silbi lamang na aral saakin na ang mundo ng literatura ay nangangailangan din ng tapang upang maipahayag ang mga saloobin ng bawat tao sa lipunan.


6. . KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA

Gusto ko lamang mag pasalamat sa Yapak, dahil sa pag bibigay ng ganitong pag kakataon sa mga kabataan at mag silbing tulay na mag uugnay saamin at sa mga tao.





Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK



© 2020 Yapak London