VOTE I Mekka Ella ng Camarines Norte I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 4 : Mekka Ella ng Camarines Norte

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts

CONGRATULATIONS para kay...

Mekka Ella Decinilla

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon. Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________


1. TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?


Ako ay nagmula sa Camarines Norte. Ang Camarines Norte ay mayaman sa mga pasyalan katulad ng mga falls, beach, at mga lugar na patok na patok na pagkuhaan ng larawan. Maaari niyo ring bisitahin ang kauna-unahang bantayog ni Rizal na itinayo sa bansa. Ito ay matatagpuan sa Daet, Camarines Norte. Maaari ka ring magpahinga sa mga kilalang beach katulad ng Candelaria Resort, Bagasbas Beach kung saan ay matatagpuan rin ang pinakamahabang boulevard, Calaguas Beach, at marami pang iba.


2.SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?


Nasa ikapitong baitang ako noon ng kahiligan ko ang pagsusulat ng tula, pagtatalumpati, at pagtatanghal ng balagtasan. Nasa ikawalong baitang naman ako ng makilala ang Spoken Word Poetry ng napilitan akong sumali sa paligsahan sa aming lugar. Simula noon ay nasiyahan na akong gawin ito at doon ko na nga ipinagpatuloy ang pagsusulat nito.


3.BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?


Bilang isang kabataan, minulat ako ng mga naging mentor ko na habang bata pa ay dapat gumagawa ka na ng mga bagay na makakainspire sa ibang tao. Ang Spoken Word Poetry na ito ay naging daan ko upang imulat rin ang kapwa ko kabataan at ipabatid ang nais kong ipahayag sa bayan. Bukod rito, kabilang rin ako sa pamilya na isang kahig isang tuka. Kung papalarin mang gantimpalaan ng kahit anong halaga ay ibibigay ko ito sa aking mga magulang upang gastusin sa aming mga pangangailangan.


4.ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?


Sa mga kabataan na katulad ko, huwag kayong matakot na sumali sa mga ganitong patimpalak. Isang paraan rin ito upang ihayag ang damdamin niyo. Kung iniisip niyong malalaking tao ang kalaban niyo ay huwag kayong panghinaan, daan rin ito upang mas mahubog kayo katulad ko. Laban lang. Isipin mong kaya mo dahil iyon ang totoo.


5.BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO


Ang pagpapahinga ay maaaring mong gawin ng kung napagod ka subalit ang pagsuko ay dapat walang puwang sa iyong buhay. Ang bawat akda mo ay nagbibigay rin ng kaalaman sa mga taong nakakabasa nito. Ang talentong mayroon tayo ay regalo ng Diyos kaya nararapat lang na ito'y ating hubugin. Huwag kang mawalan ng pag-asa. May "purpose" ang bawat tula/akda na isinusulat mo. Maaari kang magpahinga pero hindi ang sumuko.


6. KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA


Bilang isang kabataan ay huwag kayong matakot na sumubok na alam niyong mas huhubog sa inyo. Balang araw ay magsisilbi rin itong tulay upang mas maging matagumpay tayo balang araw. Pilipino ka at ang Pilipino ay hindi sumusuko.





Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London