VOTE I Megalyn ng Laguna I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 1 Megalyn ng Laguna

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts


CONGRATULATIONS para kay...Megalyn Gotiza

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilangdamdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition



1.TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?

Ako po ay taga-Laguna. Kilala ang aming lugar sa mga dami ng resorts at magagandang falls o talon. Isa sa pinakasikat ay ang dinarayong Pagsanjan Falls. Marami ring mga lawa ang Laguna tulad ng Laguna Lake at Caliraya Lake. Ipinagmamalaki rin ng aming lugar ang Mt. Makiling na perfect para sa mga hikers at adventurers.


2. SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?

Bata pa lamang ay may punto na ang aking pagsasalita ayon sa aking mga magulang, "poetic" daw kung sumagot ako sa mga tanong nila. Maraming manunula ang naka-impluwensya sa akin tulad nina Ildefenso Santos. Ngunit lalo kong minahal ang pagtutula ng Spoken Word Poetry nang marinig ko ang mga piyesa ni Juan Miguel Severo. Isa siya sa mga hinahangaan ko sa larangan ng SWP sapagkat laging may lalim ang mga tula niya.


3.BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

Naging inspirasyon ko ang aking pamilya at lahat ng Pilipino. Nais kong iparating sa kanila ang mensahe ng tula ko at ng kompetisyon na ito, na dapat lamang saluduhan at parangalan ang mga PH frontliners, nararapat lamang silang makilala bilang mga bayani ng ating bayan.


4. ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?

Para sa lahat ng kabataan na nagnanais lumahok sa mga ganitong kompetisyon, huwag kayong panghinaan ng loob, never let your fear or doubt in yourself stopped you from showing the world what you can do and how wonderful your potential is. Let them see how great and unique of a person you are.


5.BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO

Hindi lahat ay biniyayaan ng talento sa pagsulat, there's always a reason for everything. May dahilan kung bakit mahusay ka magsulat ng tula o kung bakit mahusay kang kumanta o sumayaw. May dahilan kung bakit ikaw at hindi sila ang binigyan ng ganyang talento. Maybe it can change your life or you can change the world. Who really knows where your potential will bring you one day? Never ever give up. You are great. You just have to believe you are. Laban lang!


6.KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA

Ang pagsuko ay hindi tanda ng kahinaan, kundi ng pag-aalinlangan sa sarili. Ang pag-aalinlangan sa sarili ang isa sa pinaka-masaklap na maaari mong gawin sa sarili mo sapagkat ikaw ang unang dapat naniniwala sayo. Paano sila magtitiwala sa kakayahan mo kung ikaw mismo ang nagdududa sayo? Paano sila maniniwala kung ikaw mismo ang nag-aalinlangan? Magtiwala kang mahusay ka at maniniwala sila. Magtiwala kang malakas ka at hahanga sila. Kaya't patuloy kang lumaban, sapagkat walang dapat sukuan.




Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London