VOTE I Mc Kevin ng Bacolod I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 6 Mc Kevin ng Bacolod

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts

CONGRATULATIONS para kay…

Mc Kevin Dubria

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________


1). TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?

Ako po ay Taga Municipality of Moises Padilla, Bacolod City.

Sikat ang Lugar namin sa mga magagandang spring Resorts at Falls isa sa mga mapagmamalaki kong pasyalan dito sa amin ay ang KAITULARI Mountain Resort, pwede ditong mag mango picking at Fishing,masarap mamasyal dito kasi subrang natural ng lugar makikita din ang Mount Kanlaon dito,masarap mag relax at mag munimuni sa lugar at masarap mamasyal kasama ang pamilya't mga mahal sa buhay! Ma eenjoy mo ang mga sumusunod pwede mong gawin dito sa Kaitulari Mountain Resort:Swimming pool, infinity pool, cool native cotages made of Bamboo, pavillon ( available for day and night), session hall, billiard, Videoke, resto bar, Tilapiahan( Fresh Tilapia), air con rooms - Native rooms, River Trekking, water falls, lake,Fish Foot spa,body massage,playground, wishing well and wishing bell.


2). SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?

Elementary ako ng makahiligan ko ang pagsusulat at pag talumpati, masasabi kong ang mga sulat ni Jose Rizal ay isang dahilan para mapukaw ang aking puso sa pagmamahal sa wika at pagkahilig ko sa tula,

At ang Pagbabasa ng Bibliya ay nakatulong din sa akin para ma inspire sa pagsusulat, kagaya ng Psalms of David na napapaluoban ng mga Poems na sinulat ni King David.

Meron din akong idolo sa ngayong Henerasyong makata at malaking inspirasyon din sya sa akin siya ay si Brian Vee napapanood ko lamang siya sa Youtube peru malaki talaga ang naitulong niya sa akin sa pamamagitan ng kayang videos.


3). BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

wala nang iba kung hindi ang aking Personal savior na si Jesus Christ!

Sa lahat ng ginagawa ko siya ang aking ultimate inspiration, itong lahat ng ito ay para sa panginoon. Alam ko na ramdam niya tayong lahat at lahat ng ito may purpose. Siya ang Inspirasyon ko sa pagsali dito sa kompetisyon na ito.


4) ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?

Ang maipapayo ko sa mga kabataan na gustong makilahok sa kompetisyong ito ay Huwag matakot na ilabas ang mga nakakubling kataga at talata sa inyong mga damdamin huwag gawing pukos ang premyo mag pukos sa mensahe at damdaming totoo.gamitin ang wika upang maka tulong sa kapwa,!

Gamitin ang kapangyarihan ng mga Salita ito ay nasa ating mga makata, may kapangyarihan ang salita na buhayin ang patay, at magbigay pag-asa sa mga taong lugmok sa buhay, malay mo dahil sa tulang iyong pinakawalan isang buhay ang iyong nasagip sa kamatayan.


5)BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO


Base sa aking karanasan minsan na rin akong nawalan ng gana sa pagsusulat, kinalimutan ko na at hindi ko ito inasahang magagawa ko ulit, lagi lang nating tandaan may mga taong pinili para magbasa tayo ay pinili para magsulat at magsalita, tayo man ay sumuko sa talentong ito, tandaan mo na hinding hindi susuko sayo ang iyong talento. Huwag panghinaan ng loob, humanap ng inspirasyon, bigyan ng oras ang sarili na mapag isa, itanong sa maykapal ang kahalagahan ng buhay ng bawat tao, kasi pag nalaman mo na ang halaga ng isang tao malalaman mo rin kung gaano ka kahalaga at gaano kahalaga ang talentong sayo'y binigay bilang biyaya!

Huwag sumuko, hawakan ang sandata ng mga makata ito ay ang papel at lapis at tinta gamiting mo ang makapangyarihang mga talata upang baguhin ang takbo ng mundo kagaya ng ginawa ng ating mga bayaning namayapa.


6)KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA

mensahe ko lang ay simple lamang,

Mahal ka ng panginoon, may silbi ka kaibigan, huwag hayaang mabuhay sa pagkalugmok, at kapag ikay nalulungkot itoy isipin mo lalo mahal ka niya kaya siya nagpapako!





Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London