VOTE I Mahalin ng Pampanga I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 9 Mahalin ng Pampanga

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay...

Mahalin Galleon

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilangdamdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________


1. TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?

-Ako po'y taga Dau, Mabalacat City Pampanga ikinagagalak kong tiyak na kilala ang aming lugar ng Dau sa GOTOHAN AT LUGAWAN hindi lamang diyan nagtatapos, ito ay sentro ng syudad ng Mabalacat at Angeles pinagigitnaan ito. Kaya naman kilala din ito sa mga "Kapampangan Dishes" na tiyak kong magugustuhan niyo, kaya panigurado babalikan niyo ang Lugar na ito. Dau, Mabalacat pampanga.

2. SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?

-Tunay nga raw ako ay maimpluwensyang kabataan ngunit, ito ay nagsimula noong ako ay Junior Highschool sapagkat nahikayat ako ng aking napanood na isang Spoken Artist na si Juan Miguel Severo, at kasama ko rin ang aking mga mga ka-miyembro, dati sa pagsulat. Gayundin, ang aking Pamilya na todo suporta saan man ako magpunta. Tiwala lang, kaya natin to!

3. BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

-Tunay na sumasaludo ako sa bawat Mamamayang Pilipino sapagkat hindi lamang ang mga Doktor o Nurse ang naging panangga natin sa Pandemya ngayon, kun'di masasabi ko na rin na ang ating sarili rin. Sa araw araw na nabubuhay tayo, lumalaban tayo sa pagkayod upang malagpasan ang kagutuman at kahirapan na ibinigay ng Pandemyamg ito sa ating Bansa.Kaya, naging inspirasyon ko ang Bawat Mamayang Pilipino.


4. ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?

-Masasabi ko na, hindi sila magsisisi sapagkat kung ikaw ay mahilig at umuusbong talaga sa pagsulat at pagbabahagi ng iyong talento. May puwang ka sa YAPAK dahil, ito ay hindi lamang basta bastang kompetisyon, napapaloob ito ng Puso at Kaluluwa sa Sining upang maibahagi sa Kapwa ang Kaunlarang Indibidwal. Kaya ano pa, Tara na! Makiisa at Isa puso.

5. BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO.

-"Huwag kang susuko, basta basta. Tama ka nakakapagod din talaga ang nasa ganitong sitwasyon. Dahil minsan na memental block ka ngunit, tandaan mo. Hindi ka lang nag-iisa napaka daming taong naniniwala sa potensyal na mayroon ka at ang iba pa nga'y hinihiling na sana sila din ay may ganitong puso sa pagsusulat o pagiging manunula(t). Tandaan, Padayon Puhon!

6. KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA

-Maraming, Salamat sa Oppurtunidad na tiyak ngang nakatulong ito para sa aking Indibidwal na karanasan. Sobrang laking Biyaya ang mapabilang sa WildCard Edition, sapagkat bawat manunula(t) ng bayan ay tiyak kong may pag asa at nararapat na mapabilang sa aking puwesto, ngunit ako'y sobrang nagagalak at nabeblessed dahil isa ako sa mga taong ito. Maraming Salamat, Yapak.



Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London