VOTE I Madee ng Zamboanga I Wild Card Edition I YAPAK.ORG

Updated: Jul 26


HOW TO VOTE FINALIST NO. 13 Madee ng Zamboanga

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay...


Madelyn A. Cudal

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________

1. Taga saan ka at ano ang gusto mong ibahagi sa lugar mon a puwedeng ipagmalaki o pasyalan sa mga makakabasa?


• Ako po ay ta Zamboanga City na kilala bilang “Latin City”, ang gusto kong ibahagi tungkol sa lugar naming ay ang paraan nang pananalita naming na CHAVACANO na kung saan kung maririnig niyo po ay tila mapapaisip kayo na parang nasa Spain o Mexico kayo dahil may konting espanyol tulad ng “Quetal? “ na ibig-sabihin ay Kamusta?, “Grasias” na Salamat naman at ang mga pagbibilang ay espanyol tulad ng Uno, Dos, Tres, Kwatro, Singco, Sais Syete, Otcho, Nuebe at Dies. Payapa po dito sa amin na taliwas sa paniniwala ng iba na delikado. Mga pagkain na kilalang-kilala dito ay ang SATTI, PASTIL, Tyula Itum at marami pang iba. Ang halimbawa naman ng mga lugar na dapat ninyong puntahan kapag kayo po ay pupunta dito ay ang aming PINK SAND BEACH na kilala bilang STA. CRUZ ISLAND, ang aming sikat na falls ay ang MARLOQUET FALLS at marami pang mga mapapasyalan.


2. Sino o ano ang nakapagimpluwensya sa iyo para mahiligan ang paggawa ng tula o SPOKEN WORD POETRY?


• Nagsimula akong magsulat o gumawa ng tula noong secondarya, nagsimula ito nung nagustuhan kong basahin ang FLORANTE AT LAURA. Noon ee kapag wala akong ginagawa pagkatapos ng lunch break gumagawa ako ng tula na patungkol sa aking karanasan at sa pananabik kong Makita at makilala ng lubos ang aking mga magulang na hindi ko nakita simula nung 11 mos old ako pero ngayon nakita ko na sila unang pagkikita naming ng nanay ko ay noong patapos na ako sa secondary na nagbakasyon ako ditto sa Zamboanga parang textmate nga kame nun na para makilala ang isat-isa nung unang pagkikita ay inilalarawan ang suot, ang aking ama kilala ko siya nakikita ko pero hindi madalas dahil may pamilya na siya nung nakilala ko na siya nang lubos ee nung nagkakamuwang na ako noong patapos na din ako ng sekondarya, kilala ko siya kasi anak siya ng lola ko na nagpalaki sa amin magkapatid. Kahit kilala ko siya sa mukha iba parin talaga yung makakasama mo siya ng matagal. Kaya simula’t sapos kasangga ko na ang pluma at kwaderno no ko na binubuhusan ko ng mga sama ng loob at mga emosyon na nararamdaman ko na tinatago ko lang hanggang ngayon.


3. Bukod sa PH Frontliners sino ang nagging inspirasyon mo sa paggawa ng tula at pagsali sa kompetisyon na ito?


• Ang mga karanasan ko kasi sa pagsusulat ee dun ko nabubuhos lahat ee, Sa lola ko na nasa CEBU(Ako lang mag-isa na naninirahan ngayon sa Zamboanga, nakipagsapalaran na umasang makasama magulang ko at ayun nabigo ako) na nagpalaki at tinaguyod ang pag-aaral ko mula Kinder hanggang kolehiyo kung di sakanya ee malamang wala akong tinapos ngayon, kung hindi sa mga pangaral niya malamang napabarkada ako at ibinalin ang sakit sa ibang tao. Palagi ko siyang nakikita na nagbabasa ng libro kaya kalaunan ay nahiligan ko din ito at nagging libangan ko at palagi niyang sinasabi na dapat makapagtapos ako dahil yun lang naman ang gusto niya para sa akin ang Makita akong makapagtapos sap ag-aaral. Kundi dahil sa kanya di ko mahiligan ang pagsusulat isa kasi siyang guro noon kaya gusto ko din na maging tulad niya kaya eto ako nagtuturo na din sa paaralan saan siya nagtratrabaho noon. Nagging inspirasyon ko din ang mga kaibigan ko at boyfriend ko sila talaga ang palaging nagsasabi ng “KAYA MO YAN! GO!” kundi dahil sa pangungulit nila di talaga ako sasali dahil sa HIYA. Sa mga taong nagmamahal sa akin una na jan syempre ang PANGINOON na siyang nagbigay sa akin ng talentong ito.


4. Ano ang mapapayo mo sa mga kabataan na nais lumahok sa ganitong kompetisyon?


• Ang mapapayo ko sakanila ay HUWAG NA HUWAG maliitin ang inyong talent pagkat may nabasa ako noon na yang sakit at pasakit na iyong nararamdaman at gawin tong tinta sa pagbuo ng OBRA MAESTRA. Huwag ninyong sabihin na hindi kayo magaling o hindi ninyo kaya kasi ang OBRA na gawa sa PUSO hindi tumatagos sa tenga kundi napapanatili at tumatagos sa DIWA. Huwang niyo isipin ang pagkapanalo ang mahalaga ay isipin ninyo ang mensahe na pinapahayag ninyo sa buong mundo na maging inspirasyon ng ibang tao.


5. Base sa inyong sariling karanasan, ano ang iyong gusto mo sabihin sa mga kabataan lalo na sa nawawalan ng gana magsulat o ano ang mapapayo mo sakanila para mahikayat na huwag sumuko sa kanilang talento?


• Noong natatalo ako nagsisilbi itong rason na tumigil ako sa pagsusulat nang may nagkapagsabi sa akin na “ang pagkatalo ay hindi dahilan upang sumuko bagkus ipinaalala nito na may dapat ka pang matutunan at hasain upang mas gumaling.” Naalala ko si Francisco Baltazar na nagsulat ng Florante at Laura ay nagbabayad pa noon ng ng sisiw kay Huseng Sisiw upang makabuo ng magandang tula para sa kanyang iniirog, ipinapahayag lamang na hindi masama na kumunsulta tayo sa mga hasa na sa paggawa ng tula dahil hakbang ito upang matuto tayo at mas gumaling sa hinaharap.Kaya kung naranasan ninyong mabigo hayaan niyong igihin pa ang inyong obra at balang araw maririnig to ng buong mundo. Tulad ulet ni Francisco ee nakulong siya minsan at nung nakulong siya ee di siya gumawa ng masama doon sa loob ng selda bagkus inilaan niya ang mga oras na nandoon sa loob upang mabuo ang isang OBRA ng ating bansa at ito ay ang FLORANTE AT LAURA na di makakailang tanyag na tanyag sa ating bansa.


6. Kahit anong mensahe na maari mong isama.


• Maraming salamat sa YAPAK LONDON sa pagkakaroon ng patimpalak na ito na nagging daan upang pakinggan ang boses ng mga kabataan na kung saan naipahayag ng bawat isa ang kamalayan at damdaminnila hinggil sa sakuna o laban na kinahaharap ng buong mundo at nagging daan ito upang ihatid sa mga frontliners kung gaano tayo kapalad na magkaroon ng mga panibagong bayani at hindi iniisip ang kapahamakan mailayo lang tayo sa kapahamakan kaya MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYO!





Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London