VOTE I Loween John ng Iloilo I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 10 Loween John ng Iloilo

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay...

Loween John H. Seloterio

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag angkanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________


1. TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?

-Ako po ay mula sa probinsya ng Iloilo - tahanan ng ika nga nila'y malalambing na tao. Maliban sa mga tao nakatira sa Iloilo na likas na mababait at mapagmahal, maipagmamalaki ko ang mga likas nitong yaman tulad ng mga dagat. Magaganda ang mga baybayin sa hilagang parte ng probinsya na tiyak ikabibighani ng lahat.

2. SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?

-Ako po ay isang manunulat at natutuwa akong magsulat. Hindi ko tukoy kung ano ang nakapag-impluwensya, pero ang alam ko lang ay nagagalak ang aking puso sa tuwing ako'y magsusulat. Samantala, ang aking pag spoken word poetry ay akin lamang sinubukan sa kompetisyon na ito. Nakatutuwa na akin itong nagawa sa kauna-unahang pagkakataon at napabilang pa sa wildcard ng patimpalak.

3. BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

-Ang passion marahil ang nag-ungkat sa aking inspirasyon na magsulat ng tula at sumali sa kompetisyon na ito. Isa itong magandang pamamaraan na sa gitna ng pandemia ay magpasalamat tayo sa ating mga fronliners.

4. ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?

--Huwag matakot subukan ang mga bagay na sa tingin nila ay kaya nila. Labanan nila ang nerbyos o alinlangan na baka sila'y mapahiya o mahantong sa hindi magandang sitwasyon. Sa huli, ang kanilang puso at isip ang dapat manaig na kaya nila ang lahat basta merong Diyos na makakapitan.

5. BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO

-Huwag silang tumigil kahit na kung sa tingin nila'y walang nagbabasa sa mga sinusulat nila. Ang pagmamahal sa napiling sining ang dapat manaig. Huwag nilang isipin na walang saysay dahil sa huli ito'y mabibigyan ng saysay. Matutong maghintay, huwag mawalan ng ganang magsulat at huwag sumuko sa talento. Bigay yan ng Diyos na dapat linangin at sa huli ay ipagmalaki.


6. KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA


Salamat Yapak. Mabuhay kayo at patuloy kayong magbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino.




Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London