VOTE I Leo ng Rizal I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 12 Leo ng Rizal

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay...

Leo D. Serdenia JR

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________

1) TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?

Ako po ay nakatira sa Cainta, Rizal. Ang aking maipagmamalaki sa probinsya ng Rizal ay ang binabalik-balikan na "suman" at "latik." Ang probinsya ng Rizal ay sagana sa mga malalagkit na pagkain na maaaring gawing pasalubong sa mga mahal ninyo sa buhay.

2) . SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?

Ang pinaka nakaimpluwensya sa akin sa pagsulat ng tula ay ang aking mga sariling karanasan. Ang mga ganap sa aking buhay ay isinasalaysay ko sa pamamagitan ng tula.

3) . BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

Bukod sa ating mga PH frontliners naging inspirasyon ko rin ang mga pasyente na patuloy na lumalaban sa sakit na Covid 19. Sa pamamagitan ng aking tula ay mabigyan sila ng pag-asa na hindi pa ito ang katapusan.

4) ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?

Sa mga kabataan na nais sumali sa ganitong uri ng patimpalak, laging isaisip ang pagmamahal sa sining.Tayo ay nagsusulat dahil nais natin ibahagi ang ating talento at hindi dahil sa "nakakasilaw na papremyo"

5). BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO

Para sa mga kabataan na nawawalan ng pag-asa o gana sa pagsusulat, lagi lang ninyong tatandaan ito "Habang mayroong isang nagbabasa at naniniwala, huwag kang tumigil magsulat"





Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London