VOTE I Karl ng Puerto Prinsesa I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 15 Karl ng Puerto Prinsesa

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts




CONGRATULATIONS para kay...


Karl Gerrick Opiala

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________

1. TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?

-Ako po'y nakatira sa Palawan Puerto Princesa City

Sikat ang Palawan sa magaganda nitong tourist attractions. Lalo na ang Underground River, El Nido Palawan and Coron at marami pa pong iba. Ito ay lubos na inaalagaan ng mga tao rito kaya lubos ko po itong ipinagmamalaki.


2. SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?

-Ang nag impluwensya po sa akin marahil ay ang karanasan ko po. Nung ako ay lubos na nagmahal sa isang tao na halos sa kanya na nakabase ang aking pagngiti at pagtawa. Mga panahon iniwan nya ako. Dun ko nadiskobreng marunong pla ako magsulat ng tula, doon ko unang naranasan na masaktan ng paulit ulit gamit ang panulat na hawak ko at mga tintang inilalabas nito.


3. . BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

-Bukod sa mga PH frontliners po. Naging inspiration ko dn ang aking pamilya, kaibigan. Dahil lahat kami ay nakasalalay ang kaligtasan sa mga frontliners.. Sa pagsulat ko po ang tula na yun, tila kasama ko na rin ang pamilya ko at mga kaibigan ko.. Sa bawat katagang naisulat ko sa tulang iyon.. Kasama ko sila.


4. ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?

-Sa mga kabataan na nais ring lumahok sa gantong kompetisyon, gusto ko lng sabihin na hindi lang basta panulat at papel ang dalhin nyo sa pagsulat, kundi isama nyo ang inyong puso. Sa bawat pagsulat ng mga letra isama nyo ang nagbibigay ng inspirasyon sa inyo.


5. . BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO

-Napagdaanan ko na rin po ung mawalan ng gana sa pagsulat. Yung tinatawag nilang lost of passion.. Pero ang ginawa ko lamang ay, binasa kong muli ung mga tulang aking naisulat.. Sinariwa ko ung mga panahong umaapoy pa ang puso ko sa pagsulat. Kaya kapag nawawalan kayo ng gana sa pagsulat.. Wag nyo pilitin.. Ipahinga muna ang isip.. At darating ang oras na aalab nanaman ang inyong puso sa pagsusulat.


6. . KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA

-Marami pong salamat sa inyo. Di ko po inaasahan ang mapabilang sa ganitong kompetisyon.. Kayo po ay naging mistulang answered prayets po dahol Matagal po akong nag iisip kung posible bang magkaroon ng kompetisyon ng spoken word poetry sa gitna ng taon, dahil kalimitan ay sa december lang at araw ng mga puso meron.. Kaya marami pong salamaat.. Mabuhay po kayo at naway di magsawang magbigay inspirasyon sa mga makatang kabataan katulad namin.

God Bless po





Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London