VOTE I Joseph ng Eastern Samar I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 5 : Joseph ng Eastern Samar

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay...


Joseph Canoy Jr

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilangdamdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________

1. TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?

Ako si Joseph D. Canoy Jr. o maskilala bilang sefh, ako ay taga Giporlos, Eastern Samar at ang mangilan-ngilan sa mga pasyalan na may natatating ganda sa bayang pinagmulan ko ay ang Can Adulfo falls ng barangay Coticot, Kaibaan Falls ng Barangay Roxas at ang over looking view ng Mt. Kanhugas, at sa probinsya naman ng Eastern Samar ay nandyan ang Calicoan beach ng Sulangan na isang surfing spot, at dito din matatagpuan ang st. Anthony of padua shrine na isang "panaaran o pamanataan".

2. SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?

Matagal ko nang nakahiligan ang pagsusulat at di ko alam sino ba ang naka impluwensya sakin pero naging malaking parte para mas maging matindi ang kagustuhan ko para sumulat ay ang Unibersidad na pinag-aaralan ko, kung saan ay nag karoon ng tinatawag na" barkadahan TH", na naging lugar para ibahagi ang mga pyesang tula ng bawat kabataan na kabilang sa Unibersidad na iyon.

3. BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

Kasama ng mga front liners na naging inspirasyon ko, ay ang pamilya ko, lalo na po ang mama ko na ang sabi pa nga nya ay "hindi mo malalaman na kaya mo kung di mo susubukan", sunod ay ang espicyal na dilang ng aking puso na nauna nang nagdiklara na sya daw ang numero uno kong tagahanga at ang aking anak na dahilan ng bawat hakbang ko sa buhay.

4. ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?

Sa mga kabataan naman na ang puso ay nasa pagsulat, wag matakot o mangamba na lumahok sa ibat ibang patimpalak, wag ikabahala ang paglagpak o pagkatalo dahil dito tayo lalago at dito tayo makakatuklas ng panibagong kaalaman upang mas mapaunlad ang ating talento.


5. BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO

Huwag mawalang ng gana at pag-asa, ituloy lang ang laban, dahil ang pagsulat at bawat pyesa na ating malilikha ay salaming ng ating buhay at paglalakbay, may ibat ibang emosyon, ibat ibang saloobin, at sa dulo, bawat kabiguan at pagsubok na dinaanan ng ng iyong obra ay hindi lang pagpapalago sayo kundi magiging gabay at inspikrasyon ng bawat tao makakabasa nito





Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London