VOTE I Jericho ng Bataan I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 1 Jericho ng Bataan

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts

CONGRATULATIONS para kay...


Jericho C. Valencia

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry l Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition




1.. TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?


-Ako po'y naninirahan sa lalawigan ng Bataan na tunay na may ipagmamalaki sa mayabong nitong kultura, tinatagong kasaysayan at maging ganda ng kapaligiran. Isa na nga po dito ang Mount Samat National Shrine o "Dambana ng Kagitingan "na matatagpuan sa Pilar. Kilala ito bilang makasaysayang lugar at nagrerepresenta sa mga nagbuwis ng buhay- sundalong Pilipino noong Panahon ng mga Hapon. Idagdag pa riyan ang Las Casas Filipinas de Acuzar mula sa Bagac na isang resort, dito naman mararanasan ang totoong koloniyalismo ng mga Kastila dahil narin sa mga imprastruktura na makikita dito. Sikat ang lugar dahil sa mga ginayang ng mga bahay o replika ng kilalang mga bayani tulad ni Teodora Alonso .Ang mga replika ay nagsilbing mga kwarto at kainan. Ilan lamang ito sa mga lugar na lubhang binigyang ganda at may nakatagong kasaysayan.



2. . SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?


-Dati pa lamang ay mahilig na akong gumawa ng tula dahil sa kakayahan nito na yakapin o pumukaw ng pansin dahil sa mga ipinapakita at ipinaparamdam nito sa mga mambabasa o makikinig. Ang nakaimpluwesya sa akin marahil ay nagaalab na damdamin na isatitik ang mga hindi ko kayang sabihin, at ang mapagtanto na may handang makinig na mga tao sa nais mong sabihin.


3. BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?


-Ang naging inspirasyon ko sa paggawa ng tula ay ang mga taong naniniwala sa kakayahan ko na magpahayag ng damdamin na maaring naging repleksyon din nila ang aking mga karanasan. Bukod dito, ang pagsali ko sa kompetisyon ay hindi dahil sa mga makukuha ko dito kundi dahil sa kagustuhan na maipakita ang aking talento.


4. . ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?


-Ang nais ko lamang ipayo sa kanila ay huwag matakot sumubok dahil hindi natin alam nasa maliit na hakbang na ating gagawin para sa ating mga ninanais ay isang malaking ambag sa hinaharap. Maari man na ang unang pagsubok ay hindi naging maganda ang kinahinatnan ay huwag tayong mawalan ng pag-asa na lumaban muli dahil lamang pinanghinaan tayo ng loob o walang naniwala sa atin. Tandaan mo, ikaw ang dapat unang maniwala sa sarili mo upang paniwalaan ka ng iba na sagayon makita nila na totoo at puro ang iyong hangarin. Dahil ang pagsali sa isang kompetisyon tulad nito ay hindi lamang upang may patunayan kundi upang maipapakita mo at magagamit mo ng husto ang iyong talento.


5.. BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO


-Kung nawawalan ka nang gana magsulat, hanapin mo muli ang kung bakit kaba nagsusulat ng mga ganitong bagay. Hanapin mo ang dahilan ng lahat. Ang pagsusulat ay parang pagbangon sa umaga upang hanapin ang iyong dahilan kung bakit ka nabubuhay pa. Bilang isang manunulat ng tula, nararanasan ko din ang ganitong bagay ngunit hindi ako nagpapadaig dahil humahanap ako ng paraan upang matunton muli ang dahilan ng aking pagsusulat ng tula. At huwag tayong matakot ding subukang gumawa ng kakaiba bukod sa istilong ating ginagamit, dahil ang pagtuklas ng bagong kaalaman ay isang paglalakbay upang matuto nang mas higit pa sa kaya mo. Maniwala ka lang at huwag sumuko.




6.KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA


-Isang pagpupunyagi para sa ating lahat at nawa'y matapos na ang pandemyang ating kinkaharap. Maraming Salamat at Mabuhay po tayo.




Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London