VOTE I Jed ng Pampanga I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 16 Jed ng Pampanga


Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay...

Jed Yutuc

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang

sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________

1.. TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?

- Sa lalawigan ng Pampanga, munisipalidad ng Apalit ang aking namulatan na bayan, na siyang

gumabay bilang isang mabuting mamamayan. Bukod sa masasarap na pagkain dahil ito ay

tinaguriang Culinary Arts of the Philippines, napakarami ding magagandang pasyalan na nais kong banggitin upang mabasa at makilala ang natatanging yaman ng aking namulatang tirahan. Ang “Puning Hot Spring and Restaurant”na matatagpuan sa Sitio Puning sa Porac Pampanga na nanggaling sa kampo ng Sitio Target sa Barangay Sapang Bato, Angeles City, Pampanga.Ito ay bunga ng pagputok ng Mt. Pinatubo kung kaya’t nagkaroon ng hot spring at malalaking bato sa daanan na magbibigay kasiyahan sa gitna ng paglalakbay. Maganda ito para sa pamilya,

maaliwalas at payapa ang tanawin hindi katulad ng mga nakasanayan na malalaking imprastraktura kundi natural at simbolo ng pag-asa sa bawat Pampangenyo na noo’y nakaranas ng pighati dahil sa bulkan pero umaahon at ang sanhi ng pag-iyak ang siyang naging susi upang gawin itong magandang pasyalan sa bayan. Sa loob nito mayroong Aeta Community kung saan makikita mo ang kanilang kultura’t tradition na sasalubong sa iyo upang mang-aliw at iparanas ang kakaibang buhay sa bayan ng Porac.


2. . SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?

-Marubdob ang aking buhay puno ng kakaibang karanasan, mula sa wasak na pamilya,

napabayaan na kabataan papunta sa kaayusan na parang nobela ang nilalaman. Ang aking kuya na si Rhoniel Yutuc na isang manunulat, tuwing bibigkasin niya ang kaniyang mga gawa unti-unti akong namamangha nailalabas niya ang mga bagay na di madalas makita ng mata at nagagawang pasigawin ang tikom na dila dahil sa mga salitang nailagay sa tula dahil dito naimpluwensiyahan akong sumulat, upang ibahagi ang masasakit at maliligayang karanasan, kung kaya’t simula noong ako’y nasa sekondaryang paaralan hindi ko na matigilan pa ang aking kamay at isip na gumawa ng mga tula na magtutugma sa karanasan ko at karanasan ng iba, upang ipabatid na di sila nag-iisa at palakasin ang bawat mambabasa, maging mga nakikinig upang ipagpatuloy ang laban kahit ito man ay nasa hindi magandang kalagayan.


3.BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

- Ang PH Frontliners ang nagbigay ng malaking impak upang ako’y sumali sa kompetisyon dahil

ramdam ko ang kanilang sakripisyo na ibinibigay ngunit madalas hindi ito pinapansin ng iilan.

Pero nais ko rin ipabatid ang ikalawang dahilan sa pagsali ko sa patimpalak na ito. Ang aking

pamilya na kasalukuyan na nakakaranas ng financial problem ang nag-hudyat sa akin upang

tumuloy sa pagsali sa patimpalak. Dahil magkahiwalay ang aking magulang at si mama lang ang inaasahan na kasalukuyang walang trabaho. Nais kong ibigay ang aking napanalunan sa aking magulang tulad ng mga nakaraan upang makatulong man lang kahit papaano sa problemang nararanasan.

4.ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?

Ang problema ay walang pinipili matanda o bata, mayaman o mahirap, babae o lalaki aypawang dumadaan sa yugto ng pagsubok pero sakabila nito mayroon ding natatanging talentong ibinigay sa atin at ang kakayahang sumulat ng tula ay isang kamangha-manghang kakayahan. Wag natin itong itago, maging mapag-obserba tayo upang maitugma natin sa iba ang ating karanasan at mga nakikita sa lipunan upang palakasin ang sarili habang pinapalakas din ang iba. Ituloy lamang ang paglahok sa mga patimpalak, huwag manghina at matakot, Manalo man o matalo angmahalaga naipakita mo ang kakayahan mo at naipabatid mo ang iyong saloobin sa iba, hindi ka man nila makilala ngunit sa bawat mambabasa at makikinig, tatatak ang tula na iyong likha na magiging pag-asa upang ituloy ang laban nila. Ito ang aking nais ipabatid bilang payo sa bawat kabataan na magnanais sumali sa anomang patimpalak.


5.BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO

-Bago ko ibigay ang aking kasagutan sa ikalimang katanungan nais ko munang ilahad ang

maikling tula na aking iginawa,

Sinimulan kong mag-obserba sa kapaligiran, Ang mga salita’y walang kasapatan Upang maisulat ang nakita kong kasalatan At mamulat ang mga tao sa lipunan, Kataka-taka lang dahil tila sarado na ang isipan ng taumbayan, Hindi na tinatanggap ang akda ng iilan, Kahit ito man ay base sa katotohanan Hindi sila pinapakinggan pero laging pinapakelaman Nagdulot ito ng pagbaba ng bilang ng mga kabataang nagnanais mapakinggan ng bayanNawalan ng lakas at pag-asa upang ituloy ang laban, Muling naging tikom ang tinta ng mga salita sa bawat akda, Habang unti-unting napipilay ang mga kamay upang maisalba ang literatura ng tula

Kaya naman nagkahiwalay na ang bawat parte ng ulo Paubos na ang pluma sa mga salitang nais bigkasin nito Pero tayong natitira, magpatuloy tayo at damputin ang naiwang bubog sa mga akda, Buuin natin upang sa ganitong paraan baka sakaling maintindihan tayo ng bawat Pilipino sa mga saloobin na nais natin ipadama upang tayo’y muling magtugma. Nagkakaisa ang ating dugo bilang manunulat, nawawalan man ng pag-asa dahil malimit nalang pinapakinggan at kadalasan hindi sila interesado na tayo’y pahalagahan na may kaakibat pang pagkukutya ng iilan. Ngunit hanggat naniniwala tayo sa atig kakayahan at alam natin na ito ay

biyaya ng Maykapal, wag manghina ng loob dahil ito ang instrumento upang makapagtanim tayo ng buto ng pag-asa sa bawat mambabasa. Bawat akda natin ay boses ng lipunan sa mga nakatagong bagay na di masambit ng iilan, kung hihinto tayo sa pagsusulat gaya ng ginawa ng iilan. Sino ang sisigaw? At magbibigay liwanag sa bayan? Magpatuloy lamang tayo at palawakin ang talentong ipinagtagubili sa atin.


6. KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA

-Magkakaiba ang ating karanasan at ngayon alam kong iba-iba rin ang ating kinakaharap na laban ngunit bawat kwento natin ay magiging pag-asa at inspirasyon sa iba, kung kaya naman sikaping pagtagumpayan ang ipinagkatiwalang laban dahil sa mga susunod na taon ang iyong tagumpay, ang magiging kwento ng pag-asa upang magpatuloy sa laban ang iba, na siyang magiging tulay upang ang katagumpayan sa puso natin ay hindi mamatay.




Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London