VOTE I Ivan ng Pasig I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 1 Ivan ng Pasig

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay... Ivan Yuri P. De Leon

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD

EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition




Ako si Ivan Yuri De Leon, isang mag-aaral mula sa lungsod ng Pasig at ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang lungsod na aking tinubuan! Dito sa Pasig City matatagpuan ang Rainforest Park na nagsisilbing bagà ng aming lungsod. Animo'y saglit na bakasyon sa pusod ng kanayunan, tagô sa polusyon at kaguluhan.Bata pa lamang ay hilig ko na ang mga tula. Dati ay may aklat kami ng mga tula at nakahiligan ko na ang pagbabasa nito. At sa pag-usbong ng spoken word poetry sa ating bansa, mas natulak pa ako sa pagsusulat buhat ng aking interes. Ngayon, pilit ko itong inaaral at patuloy pa akong natututo. Patuloy akong naaantig ng iba't ibang bagay na nangyayari sa ating lipunan. Ngayon nga'y sumali ako sa timpalak na ito nang dahil sa kagustuhang maibahagi ang aking mensahe, hindi lamang tungkol sa frontliners, kundi tungkol na rin sa patuloy na paglaban ng mga biktima ng pandemyang ito. Gusto kong ihayag sa mundo ang paghihirap na dinudulot nito sa atin. para sa iba pang kabataang tulad kong nais din sumali sa mga kompetisyon, huwag na kayong magdalawang-isip pa dahil wala namang mawawala kung susubukan ninyo. Manalo man o matalo'y bahagi ito ng paglago natin bilang mga manunulat ng kinabukasan. Kung natatakot kang magsimula ay wala kang magagawang kahit ano.

At kung minsan, nakapanghihina man ng loob dahil tila wala namang nangyayari sa patuloy na pagpupursigi, makabubuting alamin mo muna kung sino ka ba talaga. Alamin mo ang iyong istilo. Mag-aral lang nang mag-aral upang matuto nang matuto dahil kailangan mo munang makilala ang iyong sarili bago ka magpakilala sa iba. Tandaan nating hindi lahat ay may kapangyarihang magsulat ng wastong salita sa wastong ayos. Iilan lamang tayo, kaya huwag kang hihinto.

Isang malaking karangalan ang inihandog ng Yapak para sa atin. Maligaya rin akong makita ang iba pang kabataang nahihilig sa pagsulat tulad ko. Salamat!




Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK



© 2020 Yapak London