VOTE I Dominic ng Calamba I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 1 Dominic ng Quezon

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay...Dominic Mora

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD

EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon. Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition



1. TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?

-Ako si Dominic Mora, Taga-Laguna, ang pinaka magandang bisitahin sa aming lugar ay ang Tahanan ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal o mas kilala bilang Rizal Shrine,


2. SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?

-Para sa'kin hindi ako naimpluwensyahan nino man sapagkat bago ako naging manunula ay nag tatanghal na 'ko sa mga entablado kaya't nakahiligan ko na ang mag sulat at mag tanghal, natutuhan ko na lang sa pag lipas ng mga panahon.

3. BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

-Ang inspirasyon ko parati sa aking mga sinusulat ay ang Lipunan

4. ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?


- pinakamabisa kong sandata sa paggawa ng tula ay ang sarili kong danas.

Kaya’t gamitin n'yong tinta ang puso't isip, at panulat naman ang iyong mga karanasan. Doon magiging makulay at puno ng sustansya ang iyong tula na hindi malilimutan ng mga makakarinig o makakabasa nito.

5. BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO

-Padayon lang! Hindi tayo nagmamadali, maniwala ka na, marami kaming naniniwala sa'yo.:)




Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London