VOTE I Daniel ng Quezon I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 1 Daniel ng Quezon


Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON


Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon


Website:

Comment or share this link to your social media accounts


CONGRATULATIONS para kay... Daniel Palagtiw ng Quezon

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon. Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition



1.TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?


Aking ipinagmamalaki na ako ay nagmula sa Quezon Province. Bukod sa puntong "hani nga" at di baga" sa aming probinsya ay marami kang makikita. Simulan natin sa mga pasyalan, tara na at pumunta sa KAMAY NI HESUS na ang hagdanan ay may 300 steps, dito makikita ang malaking statwa ni Hesus. Meron din kaming historical places tulad ng MALAGONLONG BRIDGE, ang pinakamatandang tulay sa Quezon na ginawa pa noong panahon ng mga espanyol taong 1840. Marami rin kaming mga festival tulad PAHIYAS FESTIVAL na tampok ang mga disenyo ng bahay gamit ang gulay at mga prutas. Meron ding NIYOGYUGAN FESTIVAL na tampok ang sayaw at mga kubo na hango sa parte ng niyog.


Kung gusto mo naman ay sariwang hangin at malamig na tubig tara sa CAWAYAN FALLS at PINLAK FALLS. At kung dagat naman ang iyong hanap punta sa JOMALIG ISLAND na may ginintoang buhangin at malinaw na dagat.


May mga pagkain ding pinagmamalaki ang mga taga Quezon tulad ng PANCIT HABHAB na hinahabhab at nilalagay sa dahon at hindi sa plato. Meron din kaming HARDINERA na kadalasan ay handa sa mga espesyal na okasyon tulad ng kasalan at binyagan. Meron ding KESONG PUTI na gawa sa gatas ng kalabaw. PILIPIT na gawa sa malagkit na bigas at ito ay kahugis ng "8".Merong KIPING na gawa sa minatamis na harina.

At syempre ang pinagmamalaki kong bayan na aking pinagmulan, ang bayan ng INFANTA. Pinagmamalaki namin ang SUMAN na gawa sa malagkit na bigas at gata ng niyog na binabalot sa dahon ng saging. Dito rin matatagpuan ang pinakamalawak na pakatan na maaring pamangkaan. Tara na sa QUEZON!


2. SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TUL o SPOKEN WORD POETRY?

-Isang kaibigan, pareho kami ng interes at may mga pagkakataon na pareho kami ng iniisip sa isang bagay o isang sitwasyon.Tulad ng ibang kabataan meron kaming napapansing mali o hindi angkop na nangyayare sa paligid. Masyado kaming nagiging lohikal o pagiging mulat sa mga bagay bagay.Sa isang Spoken Poetry Competition pareho kami ng iniisip na paliwanag sa kanilang binigay na tema, sa kauna unahang pagkakataon sumubok kaming sumali at hindi iniisip ang takot at kung ano ang mangyayare sa amin sa ibabaw ng entablado. Hindi namin inakala na makakasama kami sa mga mananalo. Kaya hanggang ngayon pag may ganitong kompetisyon pinapaalam agad namin sa isa't isa at magyayayaang sumali.


3.BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

ANSWER:

-Naging inspirasyon ko sa paggawa tula ay ang aking pamilya, kaibigan at mga tao na nasa aking paligid. Sa pamamagitan ng pagmamasid ko sa mga tao sa aking paligid at pagkuha ng impormasyon sa aking pamliya at mga kaibigan nakalilikha ako ng isang magandang pyesa.


4.ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?

ANSWER:

Marami ang natatakot na sumali sa isang konpetisyon dahil natatakot sa pagkapahiya o pagkatalo.

Hindi masamang masamang sumubok, lingid sa ating kaalaman na sa isang kompetisyon maraming ang sumusubok pero kakaunti ang nagtagumpay o sa madaling sa salita may nanalo at may natatalo.Ang pagkapanalo ay isang karangalan para sa atin at gayundin din naman ang pagkatalo dahil di ibig sabihin ng pagkatalo ay "HINDI TAYO MAGALING", ginawa natin ang ng lahat ng ating makakaya subalit may mas angat sa atin. Kung kaya't mas mabuting paraan na gamitin nating inspirasyon ang pagkatalo upang mas lumago pa sa ating talento dahil sa bawat pagkatalo ay mayroon tayong natutunan,mga bagay na maaari nating magamit sa susunod na sasalihan nating kompetisyon.

Mayroon nga tayong kasabihan na "BAKIT DI MO SUBUKAN WALA NAMANG MAWAWALA SAYO"

Sa bawat paglikha natin ng iba't ibang pyesa o tula ay maraming kabataan na namumulat sa katotohan kaya malaki ang tsansa na mahikayat natin sila na magsalita rin para sa kanilang sarili at sa kapwa kabataan.


5.BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO

-Ang kawalan ng gana ay katumbas ng pagsuko. Sa panahon natin ngayon napapatunayan sa pamamagitan ng kultura na ang kabataan ay nababalewala na. Tandaan natin na lumaban si Rizal sa pamamagitan ng pagsulat at bago sya yumaon ay may kataga na binaggit para sa ating lahat, KABATAAN ANG PAG ASA NG BAYAN. Lahat tayo ay may magkakaibang talento at marahil ay pagsusulat ang napasukan nating landas, biniyayaan tayo ng galing sa pagsusulat upang mapakinggan at maramamdaman ng mga tao ang kalagayan at kahalagahan nating mga kabataan kaya paano tayo mapapansin o mabibigyan ng halaga kung tayo mismo ay sumusuko na.





Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK.

© 2020 Yapak London