VOTE I Ciara ng Guimaras I Wild Card Edition I YAPAK.ORG


HOW TO VOTE FINALIST NO. 11 Ciara ng Guimaras

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay...

Ciara Alessandra Castillo

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag angkanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.

Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA

NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________


1.TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?


Ako po ay nakatira sa Nueva Valencia, Guimaras. Bukod sa maraming magagandang beaches, pinagmamalaki po ng mga Guimarasnon ang pinakamatamis na mangga sa buong mundo.


2.. SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?


Ang nag-impluwensya po sa akin na magsulat ay ang aking ina, na noong una ay pinipilit lamang akong magsulat, hanggang nakahiligan ko na po itong gawin kasama ang aking dalawang kapatid.


3.BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?


Ang mga magulang ko po. Hindi nakabalik ang aking ama sa kanyang trabaho dahil sa pandemya, at nag-aalala siya dahil dito. Ang akin namang ina na isang guro, ay mahilig talagang magsulat mula pa pagkabata. Gusto ko pong maging katulad niya na magaling magsulat.


4. ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?


Ang nais ko pong ipayo sa mga kabataan na gustong sumali sa mga ganitong kompetisyon ay, huwag kabahan na maipakita ang kanilang talino sa pagsusulat at galing sa pagtutula. Kailangan nila itong maibahagi sa madla, manalo o matalo man. Ang importante ay maipamalas nila ang kanilang galing, at maibahagi ang kanilang saloobin.


5.. BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO


Ang nais ko lamang sabihin sa mga kabataang nawawalan ng gana sa pagsusulat ay huwag bumitiw. Malay mo, ang susunod na email na matatanggap mo, good news! Congrats! Kasama ka sa wildcard.


6.. KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA


Nagpapasalamat po ako dahil isa ako sa mga napili para sa SWP Wildcard Edition! Hindi ko po sasayangin ang pagkakataon na ito. Pinapangako ko po sa aking sarili na mas gagalingan ko pa magmula ngayon.





Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK

© 2020 Yapak London