VOTE I Carlo ng Malabon I Wild Card Edition I YAPAK.ORG



HOW TO VOTE FINALIST NO. 2 Carlo ng Malabon

Watch, Share and Subscribe:

Youtube: https://www.youtube.com/c/YAPAKLONDON

Follow, Reach, Share and Comment:

Facebook: https://www.facebook.com/yapaklondon

Instagram: https://www.instagram.com/yapaklondon/

Twitter: https://twitter.com/yapaklondon

Website:

Comment or share this link to your social media accounts



CONGRATULATIONS para kay...

Carlo Reyes De Jesus

- siya ang isa sa mga nakasama sa YAPAK WILD CARD EDITION ng Spoken Word Poetry Competition 2020. Panuorin natin ang kanyang paraan sa “pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito, na nagmula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon. Paki-like o i-follow ang page na ito para sa mga anunsyo at PANOORIN ang kanyang video sa YOUTUBE ng YAPAK para masundan mo ang mga gawa ng mga kabataang manunulat.


KILALANIN AT SUPORTAHAN NATIN ANG MGA NAKASAMA SA#YAPAKWildCardEdition

_______________________________


1.TAGA SAAN KA AT ANO ANG GUSTO MONG IBAHAGI SA LUGAR MO NA PWEDENG IPAGMALAKI O PASYALAN SA MGA MAKAKABASA?

Ako po ay nagmula sa lungsod ng Malabon, kung saan ang bawat letra nito ay may kaniya-kaniyang kahulugan na kumakatawan sa magagandang katangian ng mga tao rito.


M- Marangal

A- Alagad ng Kalikasan

L- Likas

A- Adbenturista

B-Bait

O-Obras Pias

N-Nationalismo


Bukod pa diyan, Maipagmamalaki ko rin ang mga nagagandahang bahay na nagmula pa sa aming mga ninuno, damang-dama ang hirap at pagtiya-tiyaga ng bawat taga-malabon. Kaya naman hanggang sa ngayon ang mga ito ay lubos naming iniingatan. Isa pa sa maipagmamalaki ko sa aming lugar ay ang mga masasarap na pagkain tulad na lamang ng "Pancit Malabon" na hindi lang kilalang-kilala sa buong lungsod kundi maging sa buong Pilipinas dahil sa panalong timpla nito. At sa dapat at nararapat naming lubos na ipagmalaki ay ang simbahan ng San Bartolome na talaga nga namang makikitaan mo ng katatagan ng Lungsod at ang pagyabong nito.


2. SINO O ANO ANG NAKAPAG-IMPLUWENSYA SA IYO PARA MAHILIGAN ANG PAGGAWA NG TULA o SPOKEN WORD POETRY?

Naka-hiligan ko ang pagsusulat noong unti-unti ko na nasisilayan ang mundong mayroon tayo, kapaligiran rin ang nagbibigay lungkot, saya at pagmamahal sa aking nililikha.


3.BUKOD SA PH FRONTLINERS SINO ANG NAGING INSPIRASYON MO SA PAGGAWA NG TULA AT SA PAGSALI SA KOMPETISYON NA ITO?

Sa talentong ibinigay sa akin ng Panginoon, maraming tao ang nasa likod nito upang mahubog ang aking kakayahan. Sila ang aking pamilya, mga kaibigan, at mga guro. Mga taong walang sawang magbigay ng inspirasyon sa akin upang magpatuloy ako sa pagsusulat.


4.ANO ANG MAPAPAYO MO SA MGA KABATAAN NA NAIS LUMAHOK SA GANITONG KOMPETISYON?

Huwag titigil na sumubok sa mga bagong bagay, At huwag mapagod na mangarap. Bilang isang mag-aaral ang aking lamang pinanghahawakan ay ang paniniwala sa aking sarili at mga pagtitiwala na natatanggap ko mula sa ibang tao. Huwag matakot na makutya at mahusgahan bagkus gawin mo itong lakas para lumaban.


5. BASE SA IYONG SARILING KARANSAN, ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KABATAAN LALO NA SA NAWAWALAN NG GANA MAGSULAT O ANO ANG MAPAPAYO MO SA KANILA PARA MAHIKAYAT NA HUWAG SUMUKO SA KANILANG TALENTO

Sa mga kabataan na nawawalan ng tiwala sa kani-kanilang talento, sumubok muli at laging magtimpla ng bago. Hindi ang pagkakamali o pagkatalo ang magsasabing mahina ka, bagkus ito pa ang magbibigay pag-asa para gumaling ka. Huwag tayong tumigil mangarap hanggang sa hindi natin namamalayang naabot na pala natin. Magsulat ka, magkuwento at higit sa lahat maging parte ng pagbabago.


6.KAHIT ANONG MENSAHE NA MAAARI MONG ISAMA

Ang pagtitiwala mo sa Panginoon, sa iyong sarili at sa mga taong naniniwawala sa kakayahan mo ang magdadala sa 'yo sa inaasam-asam mong pangarap.


_______________________


Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK


MABUHAY KA!

© 2020 Yapak London