UNANG YAPAK: Ang Kwento ng Tagumpay - ONE PHILIPPINES UK

UNANG YAPAK: ANG KWENTO NG TAGUMPAY

ni Rose Mary Gail Cantero Raga ng Leyte

Vol 08 No 04 I July 2020



Naging matagumpay ang kauna-unahang Yapak spoken word competition na may temang, “Pagsaludo sa mga lumalaban sa COVID-19”. Nilahokan ito ng mga kabataan mula sa Pilipinas na nasa edad 15 hanggang 35 taong gulang. Ito ay ginanap mula ika – 28 ng Marso hanggang ika – 11 ng Hunyo. Ang nasabing kompetisyon ay ginawa para masulit ang oras ng mga kabataan sa panahon ng enhanced community quarantine.

Ngayong may pandemya ay umiikot nalang ang ating araw-araw na gawain sa bahay at halos kahit ang mga bagay na ating bihirang gawin ay naging kabagot-bagot na rin. Isang mainit na hapon ng Abril ng makatanggap ako ng isang Facebook notification na ako’y binanggit ng aking guro noong Grade 10 sa isang partikular na Facebook post. Noong ito’y aking tingnan ay pinaghalong pagkasabik at kaba ang aking naramdaman ng makita kong ito ay isang kompetitisyon ng pagtula na matagal ko nang hindi nagagawa. Agaran kong sinuri ang Facebook post para sa kung papaano sumali at kung ano ang mga mechanics ng kompetisyon. Ilan sa mga ito ay: ang pagbigkas ng tula sa loob lamang ng 2 – 3 minuto, ang pagpadala ng kopya ng tula sa kanilang email na nakalakip ang pangalan, edad at pinanggalingan ng manunulat at iupload ang video sa YouTube na naka “unlisted” lamang. Ito ay kailangang maisumite bago o sa unang araw ng Mayo, ala sais ng gabi, oras sa United Kingdom.


Nakakatawa mang isipin pero kahit naintindihan ko na ng lubusan ang mga nakasaad sa infographics ng Yapak ay parang hindi pa rin ito tuluyang pumapasok sa aking isipan. Pabalik-balik ko itong tinitingnan na parang sa bawat pagtingin ko ritong muli ay may biglang mag-iiba at magbabago. Ako’y sobrang nagagalak na sasali ako sa unang pagkakataon sa isang kompetisyon na irerepresenta ko hindi lamang ang aking pangalan kundi pati na rin ang aking bayan. Isama na rito na ito’y para sa ating mga frontliners na sa panahong ito ay lubos nating kailangan at dapat nating hangaan at pahalagahan.


Napakasarap sa pakiramdam na makatanggap ng isang mensahe mula sa iyong minamahal, lalo na kung ito’y hindi mo inaasahan. Nakatanggap ako ng panibagong email sa ikalawang araw ng Mayo at hindi ko inaasahan na mabibigyan ako ng pagkakataon hindi lang na makasali sa ganitong uri ng kompetisyon kundi pagkakataon para mas mahalin ko pa ang sining at ang pagsusulat.


Binigyan ng Yapak ng oportunidad ang mga sumali sa spoken word poetry na maging isang Yapak ambassador. Hindi lamang ito. Maaari pang mai-publish ang aming mga gawa sa isang libro at katulad ko na isang manunulat ay minsan ko ring pinangarap na balang-araw ay mailalathala ang aking mga gawa sa isang aklat at ito’y makapagbibigay ng inspirasyon sa lahat. Hindi ko naisip na sa edad kong ito ay mabibigyan ako ng malinaw na larawan sa aking nais puntahan.

Katulad ng lahat ng mga kompetisyon ay kailangang may hiranging isang kampyeon. Sa 300 na kabataang sumali sa kompetisyong ito ay masasabi kong “lahat kayo, lahat tayo ay panalo”. Hindi man namin nasungkit ang premyo pero ang oportunidad at ang karanasan ay kapantay pa rin sa nanalo. Noong ikalawa at ikatlo ng Mayo ay tinapos ko talagang panoorin ang dalawang video na pinost ng Yapak kung saan ang isa ay nagsasaad ng lahat ng mga pangalan ng mga lumahok sa patimpalak at ang isa naman ay ang mga nakapasok sa Top 100 kahit na parang nanonood ako ng isang pelikulang dayuhan, walang subtitle, hindi ko maunawaan pero alam ko na mapapawi ito sa oras na makita ko ang aking pangalan, nirerepresenta ang aking sariling bayan. Malay natin, isang araw, hindi man lahat, ay magiging ating panibagong kaibigan.


Nauna nang isinapubliko sa social media ng Yapak na ang: 1st prize ay mabibigyan ng 3 days and 2 nights stay at Savoy Hotel Manila (worth Php18, 000) at cash prize na Php5, 000; 2nd prize ay may cash prize na Php3, 000; at 3rd prize ay cash prize rin na Php2, 000. Pero noong ika – 26 ng Mayo ay nabanggit ni Elija Villanueva, ang founder ng Yapak, sa isang live program noong nagguest siya na madaragdagan ang mapapanalonan ng mga mananalo. Ang 1st prize ay madaragdagan ng scholarship grant mula sa Asean Caribbean Open Institute at special award na Freckenham Award of Merit. Ang 2nd prize naman ay madaragdagan din ng scholarship grant mula Asean Caribbean Open Institute at 3 days and 2 nights stay at La Carmela de Boracay Hotel Resort at ang 3rd prize naman ay madaragdagan pa rin ng scholarship grant mula sa Asean Caribbean Open Institute. Magkakaroon din ng Best Solo Award, Impactful Poem Award at Judges’ Choice Award (with scholarship grant from Asean Caribbean Open Institute).


Ang mapabilang sa shortlisted o mas kilala ng nakararami sa tawag na finalists ay maituturing pa ring isang pambihirang tagumpay. Kasabay ng iyong kagalakan ay ang panibagong bugso ng kaba dahil heto na! Malapit ka na sa tuktok ng iyong tagumpay! Inanunsyo ng Yapak ang mga napabilang sa Top 15 noong ika – 10 ng Mayo at sila ay sina: (1) Christian Padil ng Mandaluyong; (2) Elizabeth Jennifer Espina ng Pasay; (3) J- Paolo Jabagat ng Cebu City; (4) Vanessa Macamos ng Bulacan; (5) Stefano Morris ng Biñan, Laguna; (6) Jerome Lois Esguerra ng Malabon, Metro Manila; (7) Martin Naling ng Cavite, (8) Jdyn Faustino ng Bataan; (9) Mariel Ritchie Jolejole ng Northern Samar; (10) Emmanuel Enriquez ng Bataan; (11) John Rolyn Arevalo ng Negros Occidental; (12) Neil Shane Alcain ng Quezon City; (13) Lance Francisco ng Cavite; (14) Rjay Luigi De Jesus ng Valenzuela, Metro Manila; at (15) John Paul Lopez ng Bulacan.


“Honestly, hindi ko talaga inexpect na makakasali ako sa finalists. Nung araw na nilabas ng Yapak ang list ng lahat ng participants, naisip ko, parang wala na akong chance sa rami ng mga sumali. The night after kong makita na napasali ako sa top 100, nagpray ako. Sabi ko, “Lord, salamat po at nabigyan ako kahit papaano ng hope. Kahit ito lang, sobrang thankful ko na po. Yes, kahit na top 100, sobrang saya ko nun. Weeks after, lahat ng contestants nag-aabang lang. Then biglang nagchat sa akin ang Yapak, sabi na congratulations daw. Nagulat ako. Pero iniisip ko nun, congrats daw kasi Top 100 ako. Pero nung sabi niya kung nabasa ko na raw ba ‘yung email nila sa akin, nalito na ako. Kinabahan. Tapos ayun, nabasa ko ‘yung email ng Yapak saying na napabilang ako sa finalists, natulala ako. Pinaulit-ulit ko pang basahin nun ‘yung email just to make sure kung totoo ba ‘yun. I silently screamed sa tuwa. Naiyak pa nga ako nun. Nung nakilala ko na ‘yung mga iba pang finalists, I was so overwhelmed. Sabi ko sa sarili ko, grabe kasabayan ko ‘tong magagaling na mga manunulat galing sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Simula pa lang sa simula, hindi na ako naghangad ng sobra kasi alam ko rin naman ang capabilities ko. ‘Yung baon ko lang nung nagsubmit ako ng entry ay ang pagmamahal ko lang sa larangan na ito. The rest, pinagkatiwala ko na sa Kanya. Pero ngayon, grabe, sobra-sobra pa sa expectations ko ang binigay Niya. At napakalaking opportunity naman ang binigay ng Yapak sa akin, at sa lahat ng contestants. Kasi honestly para sa akin, bonus nalang talaga ‘yung prizes na matatanggap mo sa mga ganito eh. ‘Yung experiences, learnings, new friends, and self- growth – ‘yun talaga ang pinakamahalagang makukuha mo. Because it’s priceless.




To Yapak, thank you will never be enough sa lahat ng karanasan na inukit niyo. Nawa’y magtuloy-tuloy lang ang hangarin niyo para sa kabataang Pilipino.
To all contestants, and my fellow artists, grab every chances, every opportunities that you can get. Because you’ll never know what’s ahead of you. Sulat lang ng sulat. Ika nga, just do your best and God will do the rest,” sabi ni Jolejole, ang Finalist No. 9.

Nang sumapit ang ika – 11 ng Hunyo ay palagay ko’y may 15 kabataan na hindi nakatulog, hindi halos makakain ng maayos dahil ang pintig ng kanilang mga puso ay hindi na nasa kanilang mga kaliwang dibdib kundi nasa kanilang mga lalamunan na dahil sa labis-labis na kaba. 29 na mga hurado ang pipili kung sino ang mga mananalo at sila ay sina Gerard “Gerry” Panga, Remus Villanueva, Phi Palmos, Fr. Lloyd Anthony, Diana Alferez, Stacy Danika Alcantara – Garcia, Rose Eclarinal, Eros Atalia, Ronnie Del Barrio, Gaudiosa Pernborn, Datu Sadja Matthew Pajares Yngson, Rey Abesamis, Diana Ong, Marco Paolo Lovendino, Dann George Alocada, Arthur Andres Nieva, Nerisa Valerio, Janina Palanas, Dino Dimar, Kim Idol, Joyce Fernandez, Cyndee Joie Navarro, Sonny Laragan, Zaida Cenon, Lui Villaruz, Bea Reyes, James Ivan Cavan Feliciano, Margie Munsayac at Kathy Mercado.


Ang mga nanalo naman at nabigyan ng parangal sa kauna-unahang Yapak spoken word competition ay sina Christian Padil (1st Placer), Jerome Lois Esguerra (2nd Placer), J- Paolo Jabagat (3rd Placer), Martin Naling (Judges Choice Award), Emmanuel Enriquez (Impactful Poem Award), at Lance Francisco (Best Solo Award). Para naman sa mga Sponsors: Tatti Antiquina, Nerisa Valerio, Zaida Cenzon, Ali, Gaudiosa Pernborn, Janina Palanas, Diana Ong, Grace Pineda London Filipino Centre, Nieva Family.


Ayon pa nga kay Jabagat, “Prior to that day, I was so mesmerized what would really happen after the almost a month of this battle. When June 11 came, I waited the result for about a whole day and YAPAK posted that they would be posting the announcement at 11:00 PM in UK time and that’s 6:00 AM in June 12 here in the PH. So I just slept earlier than my usual routine because of excitement. I woke up at 3:30 AM when after which I couldn’t rid myself back to sleep. So I just keep on browsing my FB and keep myself busy while waiting. My heart was filled of excitement and nervousness.
Upon seeing the result and grasping that I got the 3rd Placer, I said ‘YES, WE DID IT’ and I went to our altar and said, ‘YOU NEVER LEAVE ME LORD. THANK YOU”. I heard the loud voice coming from the other room saying, ‘3rd Placer! 3rd Placer!’ I immediately called my parents via cellphone in Mindanao since I was locked down here in Cebu City and informed them. Like the whole people who are helping me and loving me rejoiced with joy and gratified with thankfulness.”

Ang pahayag naman na mula kay Padil ay,

“Noong June 11, nakaramdam ako ng kaba at the same time, excitement. Habang mas tumatagal kasi ‘yung contest, mas nakakakaba ‘yung magiging resulta. Lalo pang nakadagdag ng kaba kasi walang binigay na specific time na ipopost nun pero nangingibabaw pa rin ‘yung excitement.

Then nung June 12, nagising lang ako out of nowhere, mga 7 AM then nawala sa isip ko na nailabas na pala ‘yung result that time. Una kong nalaman na nanalo ako kasi may mga nagmessage agad sa akin kaya nung napanood ko na ‘yung video, syempre sobra akong natuwa. Iba ‘yung saya kapag hindi mo ineexpect ‘yung lahat. ‘Di ko alam ano mararamdaman ko totally nun, kung maiiyak ba ako o masisigaw sa tuwa, Basta ang alam ko lang, sulit lahat ng suporta sa akin. Isa ‘yun sa pinakanaeexcite din kasi ako, ‘yung maibalik lahat ng suporta at tulong sa akin, saka plano ko na talaga dati pa na once na manalo ako ay itutulong ko talaga sa mga nasunogan kasi ‘yun ‘yung naisip ko na paraan para maibalik lahat ng blessing na ibinigay sa akin. At iyon ang pinakamasaya sa lahat, ‘yung pagkapanalo ko at nakatulong pa ako. ”

At para sa ibang kabataang sumali, katulad ko, ay isang token na taas noo naming isasabit sa dingding ng aming mga bahay ang certificate na aming natanggap mula sa Yapak. Isang oportunidad na ibinigay sa amin na nagsasabing bawat isa ay may kakayahan at talento. Hindi dapat natin ito ikahiya bagkus ay dapat ipakita. Hindi mo lang alam, may isang tao riyan na palaging maniniwala sa iyo at ikaw ang nagiging inspirasyon para magpatuloy.

Pero hindi lang riyan nagtatapos ang Yapak spoken word competition dahil may isa na naman silang pasabog: ang #WILDCARDEdition! Sama-sama nating antabayanan ang susunod nilang kwento ng tagumpay. Maibabalita ang susunod na mga mananalo sa YAPAK WILD CARD EDITION dito sa One Philippines ang kilalang pahayagan para sa komunidad ng mga Filipino sa Gran Britanya.

Katulad ng sinasabi ng mga founders na sina Mikki Macabangon, Regina Parente, Junart Nieva at Elija Villanueva. MABUHAY! One YAPAK at a time!

Yapak provides a manifesto in generating and staking innovative literary pieces and inspiring stories of Filipino through the internet and communal conventions in diverse parts of the world. YAPAK's primary purpose is to instil to the youth from all over the world the Philippine values: For the Love of God (Maka-Diyos), People (Maka-tao), Nature (Makakalikasan), and Country (Makabansa), to honour their respective families and contribute to society.


YAPAK AIMS

a. To promote appreciation of Philippine literature, arts and culture. b. To create projects, organise activities, to meet the primary purpose of YAPAK. c. To encourage the youth to produce original literary works, and apply modern approaches or technology in doing so. d. To collaborate with the entities, government and non-government organisations who have similar advocacies that will help further the purposes of YAPAK. e. To create inspiring stories to express YAPAK’s goals and to provide guidance in personality building for the Youth to grow into the next leader in their designated field. f. To create online groups in different parts of the world that will help realise the purposes of YAPAK. g. To uphold and promote Filipino culture and values and make them known throughout the world, both Filipino and non-Filipinos alike.



Share you story: email us at infoyapak@gmail.com


MABUHAY KA!

300 views

© 2020 Yapak London