TAKBO

Ni : Arabella Q. Lagaya


"Takbo!"

Tatakbo, madadapa, babangon..

Hindi lang isang beses, maraming ulit. Takbo! Takbo! Takbo!

"Bakit ang bagal mong tumakbo? Malapit na tayong maabutan ng mga pulis"

Ako si Lito at ito ang takbo ng buhay ko...

Isang palaboy, walang mga magulang, walang tahanan, hindi sapat ang kaalaman, at ang

tanging alam lang ay ang tumakbo. Eto ang kuwento ko, ganito ang buhay ko, magnanakaw

sabay takbo. Kailangan mabilis, kailangan alisto, bawal madapa, bawal mahuli, bawal...

sapagkat matatalo ako.

"Tigil!!"

Paano na ang buhay ko? Paano kung matalo ako? Susuko na ba ako? Hindi, oo, hindi...

Kalituhang nasundan pa, kung hindi ngayon, kailan? Hanggang kailan magiging ganito ang

takbo nitong mundo ko?


"Bakit nyo ginagawa to!? Hindi nyo ba alam na labag sa batas at masama ang ginagawa nyo?"

Isa, dalawa, tatlo..

Sige susuko na ako.

"Pasensya na po may sakit ang kapatid ko at tanging ako lang ang inaasahan nya mga

salitang binigkas ng mga nanginginig kong bibig."

"Kung ganon bakit kailangan mo pang magnakaw sa halip na humingi ng tulong?

"K-kasi po---" iimik na sana ako nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko na humantong sa

pagkahimatay ko.

"Tay! mabilis na po akong tumakbo, buti nalang po palagi kayong nandiyan para turuan at

alalayan ako sa tuwing nadadapa ako." Sambit ni Anna, anak ko.

"Sabi ko naman sayo anak bibilis ka rin, basta lagi mong tatandaan na kapag nadapa ka, may

pagkakataon ka pang bumangon at magpatuloy" sagot ko sa kanya .

"Salamat po Tay! Mahal na mahal ko po kayo." Lumapit sya sa akin at niyakap ako.

"Mahal na mahal din kita anak."

Tulad ng pagtakbo ng aking anak ay ang takbo ng buhay natin. Madadapa ngunit babangon at

patuloy na tatakbo. Minsan magkakasugat pero maghihilom din. At tulad ng buhay ko noon

naligaw ako habang ako'y tumatakbo, noon nadapa ako, nagkamali, pero nagbago. Dahil ang

buhay natin ay walang humpay na tatakbo hangga't lumalaban tayo. Nadapa man ako kahapon,

naligaw man ang landas ko, at nagkamali man ako sa mga desisyon na nagawa ko noon, hindi

naman iyon hadlang upang magbago at tumakbo ulit ngayon.

"Takbo!"

Ako si Lito na dating palaboy, ngayon ay isang magiting na ama at haligi ng tahanang binuo ko.

Hindi hadlang ang kahapon upang maging isang mabuting tao at mapagmahal na ama ngayon.

Ito ang kuwento ko at masasabi kong naging matagumpay ang bawat pagtakbo ko.



15 views

© 2020 Yapak London