Rjay Luigi De Jesus ng Valenzuela

YAPAK OFFICIAL Finalist 14: Dakila ka Kababayan ni Rjay Luigi de Jesus ng Valenzuela


“Rjay Luigi D. de Jesus isa sa mga finalists ng Yapak: Spoken Word Poetry Contest na nagmula sa lungsod ng Valenzuela. Maraming pasyalan ang hindi mo dapat nalampasan dito sa aming lungsod tulad ng Dr. Pio Valenzuela Ancestral Residence, Museo Valenzuela, City's First Catholic Church; San Diego de Alcala Church, Arkong Bato (Stone Arch), Appreciate the local culture; The National Shrine of our Lady of Fatima, Valenzuela City People's Park, Valenzuela Town Center, Food Trip: The Long Gun Is A Burger Joint, Cultural Performance's at Valenzuela City Convention Center at ang pinaka huli ang Arca Yard Food Park.


Maraming natatagong kwento sa likod ng mga tula, manunulat at pinagmulan nito. Mula nang magbigay ng takda ang aking guro sa Filipino nung akong elementarya pa lamang, nakahiligan ko nang gumawa ng mga tula. May tungkol sa pag-ibig, pamilya, bayan at sarili. Isa sa naka-impluwensya sa akin sa paggawa ng tula ay si Virglio Almario o mas kilalang Rio Alma dahil sa kanyang mga tula na makapagbagbag damdamin at may hatid na satispaksyon sa mga mambabasa.


Bukod sa PH Frontliners, naging inspirasyon ko din sa paggawa ng tula ay ang bayan at ang mga taong lumalaban kahit na hindi pa umuusbong ang pandemya sa bansa. Mga taong lumalaban at naglilingkod para sa mga Pilipino. Para sa mga kabataang nagsisimula o nagsusulat ng tula, ipagpatuloy ninyo lamang ang inyong nasimulan dahil sa pagsulat ng tula, may mga taong naiinspire at namo-motivate sa buhay. At para sa mga taong propesyon ang paggawa o pagsulat ng tula isang saludo sa inyong lahat dahil sa mga tulang inyong nililikha, patuloy pading nabubuhay ang panitikan at kultura ng Pilipinas.


Sama-sama nating ilunsad at mas lalo pang palakasin ang natatanging kayamanan ng bansa. Pinakahuli, matatapos din ang lahat ng takot at lungkot sa buong mundo. Magtiwala lang sa pag-asa dahil para sa lahat may liwanag pading matatamasa. Pandemya na sumakop sa mundo, matatapos din ang lahat ng ito. Dasal at tiwala, iyan ang natatanging sandatang mayroon tayo sa ngayon. Wag mawalan ng pag-asa. Wag panghinaan ng loob. Dahil ang lakas ng isang Pilipino ay lakas din ng bawat lumalabang Pilipino. Isang bansa tayong babangon. Isang bansa tayong lalaban. Isang bansa tayong aahon.”






Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito @yapaklondon. MABUHAY KA!




© 2020 Yapak London