"Pilipino, isang mabuting ehemplo"

Ni : Emjhay Toshiyuki Sato


AKO!, IKAW!, TAYO!, bilang tao sa mundo,

Ang bawat buhay natin ay sagrado,

Ibinigay ito ng Diyos bilang regalo,

At sa hamon ng buhay di' tayo papatalo.

Malayo-layo man ang ating paglalakbay,

Lahat tayo ay may karapatang mabuhay,

Dahil ang buhay natin ang magiging tulay,

At pag-asa tungo sa ating nais na tagumpay.

Dahil sa ating pagsisikap,

Gumapang man tayo sa hirap,

Para abutin ang bawat mga pangarap,

At tagumpay ang siyang sa atin ay sumulyap.

Mahal ko ang Pamilya ko at mga kaibigan ko,

Sila ang dahilan kung bakit ako nandito,

Sila ang nagbibigay kulay sa aking mundo,

Sila ang mga taong sa akin ay nagbibigay payo.

Respeto, Yan ang sagisag ng pagiging makatao,

Pagmamahal, yan ang salitang galing sa puso,

Pananalig, yan ang laan sa Diyos ng bawat tao,

At lahat ng ito sana ay maging isang ehemplo.

Sa mundong ating ginagalawan,

Sabay-sabay natin alagaan ang ating kalikasan,

Ito ang magsisilbi nating tahanan,

Sa oras ng unos na ating muling pagdadaanan.

Saludo ako sa mga taong handang tumulong,

Kahit minsan hindi alam kung saan sisilong,

Dahil kahit ano kalamidad ay hindi umuurong,

Kaya isang karangalan sainyo ay sasalubong.

Basta ikaw ay dugong Pilipino,

Kahit saan sulok ka man ng mundo,

Sa hamon ng buhay hindi magpapatalo,

At maging mabuting ehemplo sa iba, tayo ang magtuturo.


Walang sinuman ang mayuyurakan,

Dahil sa ang hangad ay kapayapaan,

Kahit man ikaw ay Pilipino o dayuhan,

Lahat tayo ay may karapatan sa inang bayan.



25 views

© 2020 Yapak London