PH FRONTLINERS - Wilson


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



WILSON - LONDON, UNITED KINGDOM

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Sa ngayon na may COVID-19, ako at ang mga tao ko ay apektado dahil ang kumpanya na aming pinapasukan ay sarado muna. Para maging kapaki-pakinabang ang aking oras at panahon, ako ay nag-alok ng aking serbisyo bilang tagahatid ng Food Assistance para sa ating mga kababayan na active at inactive member ng OWWA.

At bilang presidente ng isang organisasyon dito sa London, Albayanon- UK, ako din po ay personal na nag-hahatid ng kaunting tulong sa ating mga miyembro at sa ating mga kababayan na higit na nang-angailangan ng tulong.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Ang aking pong inspirasyon ay ang aking may bahay na si Mona na parati pong nag-iisip kung paano po kaming dalawa ay makatulong sa ating kapwa sa panahon ngayon na napakahirap. Halos lahat walang trabaho at walang wala talaga. Alam ko kasi ang pakiramdam ng taong walang-wala kasi ako po ay isang mahirap din.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Ang hindi ko po makakalimutan na pangyayari sa panahon po ng COVID-19 ay habang ako po ay nasa manibela at papunta sa isang kababayan natin na aabutan/bibigyan ng tulong, ako po ay may escort na ng pulis. Pinahinto at tinanong kung ako ay essential worker at bakit nasa labas? Ako po ay kinabahan ng kaunti dahil sa more than 10 years ko sa UK ako po ay hindi nakaranas na mahinto ng pulis. Ako po ay nag-paliwanag na volunteer worker po at nagbibigay ng konting grocery sa ating mga kababayan at nag-pakita ng konting dokumento. At sa awa naman ng Diyos ang pulis ay natuwa dahil sa ginagawa natin.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Sa lahat po ng humaharap sa ganitong sitwasyon huwag po kayong pang-hihinaan ng loob. Iba po ang pakiramdam kung tayo ay nakaka tulong sa ating kapwa. Alam natin na hindi natin nakikita kung sino ang ating kalaban. Manalig lang tayo sa Panginoon at sasamahan niya tayo kahit saan tayo mag punta.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Sana po mag-ingat po tayong lahat. Sundin po natin kung ano ang ipina-tutupad ng gobyerno, huwag po tayong lalabas kung hindi naman kailangan. Tulungan po natin ang ating mga doctor at nurses. Madami na po ang casualty. Konting tiis lang at matatapos din ang krisis na eto.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London