PH FRONTLINERS - Wilma


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



WILMA - MANDALUYONG CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Bilang Frontliner, I feel blessed, despite the fear and anxiety, kahit sobrang pagod sa araw-araw na pagpasok sa laboratory. Na-feel ko yung worth ng trabaho ko bilang Medical Technologist, and that is saving lives. Marami sa amin ay dinapuan na rin ng COVID-19 sa kagustuhang maglingkod sa kapwa. Gayunpaman, ay patuloy na tumutugon sa tawag ng tungkulin. I need to move fast, forward with care and caution. Yung fear ko na baka pag-uwi ko madala ko yung virus sa family ko, yung fear ko na paano kapag nahawa ako at may mangyari sa akin? Paano na ang mga anak ko? Ang asawa ko? Pero na overcome ko ang lahat because I believe that God is with me.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Inspirasyon ko ang mga kasama kong Medical Technologist na hindi sumusuko sa laban kahit may takot at patuloy na tumutugon sa tawag ng tungkulin, at ang bawat pasyenteng gumagaling sa COVID-19 dahil sa malasakit at sakripisyo ng mga Frontliners.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Ang experience na hindi ko malilimutan, may request kaming natanggap galing sa ER doctor, for Swabbing of Cadaver inside morgue, first time mag-swab ng mga cadavers.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Be brave at heart. There will be battles that the soul will encounter on our journey in life. Trials that will test our endurance to the limit, when they come, never ever lose your faith, never ever let your heart grow cold on God. PRAY. Thank you sa malasakit, salamat sa pusong laging nakahandang maglingkod, salamat sa pag-sasakripisyo.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

We rise by lifting one another, life maybe tough and difficult but the value we gain from trials makes it all worth the journey.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London