PH FRONTLINERS - Walter


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.

WALTER - MANDALUYONG CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Okay lang naman po. Kaya lang bilang isang Frontliner at araw-araw kailangang pumasok, nakakatakot kasi hindi mo alam baka yung virus nanjan lang sa tabi tabi.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Humuhugot ako ng inspirasyon sa anak ko, asawa ko at mga pamilya ko.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Hindi ko makakalimutan na experience ko ay yung makita ang mga sitwasyon ng ibang tao habang binibigyan sila ng relief goods.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Magpakatatag lang tayo. Laban lang tayo sa epidemya na kumakalat sa ating bansa. Malalagpasan din natin yan, at higit sa lahat ay manalig lang tayo sa Poong Maykapal.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Huwag silang sumuko laban lang tayo.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London