PH FRONTLINERS - Victoria


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



VICTORIA - LONDON, UNITED KINGDOM

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Ako po ay nagpapa-salamat sa pagkakataon na ibinigay sa akin ng ating Poong Maykapal na makapag-lingkod bilang isang Frontliner sa panahong may COVID-19. Dito ko nakita na hindi hadlang ang iyong edad at katayuan sa buhay upang matugunan ang serbisyong makatao at pagmamahal sa kapwa. Sa pagiging isang FRONTLINER, halos walang pahinga at tulog subalit, hindi ito alintana sa amin.


2. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Ako po ay sumsaludo sa lahat ng aming mga kasamahan na Frontliners na itinataya ang kanilang mga buhay sa panahon at oras na ito na may COVID-19 crisis sa buong mundo.


3. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Ako rin ay sumasaludo lalung-lalo na sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na patuloy na lumalaban sa anumang pagsubok. Maraming maraming salamat po.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London