PH FRONTLINERS - Vee


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.


VEE - LONDON, UNITED KINGDOM

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Risky, pero kailangan magtrabaho dahil ito lang ang serbisyo ko na maitutulong sa mga tao. Medyo natatakot din miinsan pero naniniwala ako na ang Diyos ay may awa at ginagabayan niya tayong lahat.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Humuhugot ako ng inspirasyon sa pamilya ko lalong lalo na ang pagdarasal sa poong maykapal dahil alam kong nandyan siya lagi para sa atin.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Naalala ko na may pasyente kami na na-expose sa COVID-19. Sa akin ibinigay ang pasyente na na-expose, kinabahan ako pero ang ginawa ko nagdarasal na lang ako at pilit na kinalma ang sarili na alam ko na ang Panginoon ay ginagabayan ako para protektahan ako sa virus na ito. Sa simula at bago matapos ang shift ko lagi akong nagdarasal dahil alam kong hindi niya pinababayaan ang mga taong humihiling ng tulong sa kanya.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Para sa mga frontliners, saludo din ako sa inyo dahil sa dedikasyon nating lahat sa tranaho kahit alam natin na risky ang trabaho, mag-ingat lagi at huwag kalimutan humingi ng gabay sa poong maykapal.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Please stay home, makisama tayo sa panawagan ng gobyerno dahil ito ay mkakabuti para sa atin, kamustahin nyo rin ang mga mahal sa buhay dahil ito na yung pagkakataon para punan ang mga oras at araw na hindi mo sila nakakasama higit sa lahat, magdasal at manatiling kumalma sa mga pagsubok na darating sa atin, dinadalangin ng Diyos ang mga hiling natin.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London