PH FRONTLINERS - Totoy


#MaInspire #PositiveVibesOnly

Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



TOTOY - SAN JUAN CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Ngayong may COVID-19 pandemic, hindi madali ang aming trabaho. Nakakatakot lumaban sa isang kalabang hindi mo nakikita. Pero mas mainam na maging matapang at malakas para sa mga taong umaasa sa tulong ko bilang kanilang leader at sa tulong na mai-aabot ng barangay.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Bilang isang leader, sa mga mamamayan ng barangay ko ako kumukuha ng inspirasyon.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Ang buong kaganapan ng COVID-19 ay hindi ko makakalimutan. Napatunayan ko na ang pag-kakaisa at pagiging responsable ng bawat isa ang magsasalba sa ating lahat sa kabila ng napaka-laking dagok na ito sa ating lahat.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Sa mga kapwa ko Frontliners, hangad ko ang kaligtasan nating lahat. Nawa'y ang pagpapala ng Maykapal ang maging sandigan at lakas nating lahat para magsilbing lakas din ng mga taong umaasa sa ating lahat.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Gaano man kabigat ang ating pinagdadaanan ngayon, umasa kayong malalampasan natin itong lahat, sa tulong ng inyong kooperasyon at gabay ng Maykapal.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London