PH FRONTLINERS - Solita


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



SOLITA - QUEZON CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Ako po ay isang Coordinator ng Restorative Justice Ministry Diocese of Cubao, bilang Frontliner ay masaya akong nakakatulong sa mga kulungan. Ito ang mga Precinct 9, Precinct 10, Karingal Female Dorm Quezon City Jail, at Male Molave Youth Offenders. Ako yung nagpa-parating sa mga PDL ng paabot o pahatid ng kanilang mga mahal sa buhay, sa kadahilanang bawal at walang dalaw. Nagpa-parating ng mga facemask, PPE, personal hygiene at marami pang iba na ako ang ginamit ng Panginon para maiparating ang mga ito sa kanila. Sa paglaya ay katuwang ako sa pagayos ng kanilang mga papel, naghahatid ng lutong pagkain, at kinakausap ang mga magulang para maihatid ang balita na okay ang anak nila sa loob. Mini-meeting ko rin ang mga magulang ng PDL para sa paglaya. Ang pakikipag-coordinate kay warden na kahit lockdown ay naisasagawa namin ang spiritual activities sa loob, halimbawa ng Semana Santa at ang live stream mass. Ang pakikipag-usap sa mga coordinator na PDL via tablet para sila ay kumustahin.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Humuhugot ako ng inspiration una sa Panginoon, tiwala ng aming parokya ng Sacred Heart Parish Shrine, ang magandang ugnayan ng warden, sa mga BJMP dahil sa maganda nilang pakikitungo sa akin, at higit sa lahat sa mga donors na patuloy nila at walang sawang pagtulong. Isa pa ay ang nakikita ko ang mga lumalaya na nagba-bagong buhay at hindi nila ako nalilimutan. Yung patuloy pa din ang communication sa mga lumaya, dahil ito na rin yung sa Panginoon na sila kumapit.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Ang mga hindi ko malilimutan sa panahon ng COVID-19 ay yung tumulong sa paglaya ng 3 babaeng nakulong dahil sa sugal (tong-its) pagkatapos walang mabilihan ng tubig, late lunch na at nanginginig na ako sa gutom. Pipila sa market at yung makikipag-talo sa teller na napaka-hirap sa paki-usapan para lang makabili dahil hanggang 5 pieces lang ang pwedeng mabili sa libong PDL, at pipila sa init ng araw para makuha ang perang padala para sa PDL. Yung nasubukan kong maglakad mula City Hall, ikot ng Cubao, hanggang pauwi sa Obrero.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Sa mga Frontliners, saludo ako sa inyo, hindi alintana ang takot dahil ang iniisip ay ang pagtulong sa kapwa. Tuloy- tuloy lang po tayo lumaban sa COVID-19, hindi po tayo pababayaan at may kaagapay tayo sa ating gawain, at siya ang ating Poong Maykapal.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Ang paalala ko po sana, kung wala naman kayong gagawing importante sa labas, ay huwag na pong lumabas. Stay at home na lang po. Ito po ang napaka-laking tulong sa inyo sa paghinto ng paghahawaan ng virus.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London