PH FRONTLINERS - Robert


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



ROBERT - SAN JUAN CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Isang malaking hamon sa buhay ang maging isang Frointliner na pilit kinakaya para sa ikabubuti ng lahat ng ating mga kababayang Pilipino.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Sa mga pasyenteng bagama't hirap ay pilit paring lumalaban sa sakit na COVID-19, sa mga ngiti ng mga pasyente sa gitna ng hirap at parusa ng COVID-19, sa aking pamilya at mga kaibigan ko na walang sawang sumusuporta at nagmamahal, at lalung-lalo na kay Lord God na alam kong gabay ko sa araw-araw kong duty sa hospital.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Ang mamatayan ng pasyente. Yung tipong kausap mo lang kanina, wala pang 30 minutes, bigla na lang mahihirapan sa paghinga, at sa kalaunan ay mamamatay. Yung lungkot kasabay ng pang-hihinayang nang dahil sa COVID-19 maraming buhay ang nawawala. Sobrang bigat sa kalooban, nakaka-iyak, nakakalungkot, pero kailangan magpaka-tatag, mag-patuloy sa paglaban, at mag-patuloy sa tungkulin bilang nurse.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Dasal sa itaas, kasabay ng pag-iingat para sa sarili, tibayan ang loob at katawan.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Sana makinig opo tayo sa ating gobyerno, lahat tayo ay nahihirapan sa paglaban sa pandemic na COVID-19. Manatili lamang po tayo sa ating mga tahanan, ingatan ang sarili at proteksyunan ang mga taong mahal natin sa buhay.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London