PH FRONTLINERS - Rizalina


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



RIZALINA - PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Mahirap yung trabaho namin bilang isang Frontliner. Buhay ang nakataya sa bawat aksyon na gagawin namin. Dito mas pinalawak yung purpose namin sa mundo.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Kumukuha ako ng inspirasyon sa pamilya ko lalo na sa mga infected. Sa bawat kilos na ginagawa ko bilang Frontliner, lagi ko iniisip na para ito sa bansa natin at sa mga kapwa natin.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Magdala ng pasyente sa ospital na hindi namin alam kung yung sakit niya ba ay COVID-19 o hindi.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Maging matatag lang tayo sa laban na ito, pagod man tayo. Tandaan natin na kasama natin ang Diyos sa laban na ito, hindi tayo nag-iisa. Huwag sana mapagod na makibaka sa laban na ito. Sapagkat ang trabaho natin ang siyang purpose natin sa mundo. Manalig lang tayo at magigng ayos rin ang lahat


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Mahirap man makaahon sa panahon na ito, lahat man tayo ay hirap na, manalig lang tayo sa Diyos, matatapos rin itong lahat. Babalik din ang lahat sa normal. Pagka-ingatan natin ang buhay na bigay ng Diyos, laging mag-ingat. Maghugas ng kamay at mag-mask. I-practice din ang social distancing.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London