PH FRONTLINERS - Milagros


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



MILAGROS - QUEZON CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Bilang Frontliner ay napaka-meaningful para sa akin sa kadahilanang mas nasaksihan ko at nadama ang buhay ng aking ka-barangay lalo na ang mga mahihirap. Mayroon ding kaba at takot dahil ako'y halos senior citizen na. Ngunit, maituturing ko ito na isang yugto ng kasaysayan ng aking buhay na ako'y inilagay ng Diyos sa ganitong posisyon bilang kagawad upang makatulong sa pamayanan sa kadahilanang ako ang Chairman sa warehouse na tumatanggap ng mga ayuda mula sa City at ako rin ang namimigay ng mga food packs sa buong barangay.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Ang aking inspirasyon ay hango kay M. Ghanddi. “Man becomes great exactly in the degree in which he works for the welfare of his fellowmen.”


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Ang gawin ang street mapping sa aking sinasakupang lugar sa loob ng limang araw. Simula 9am-9pm para lang makuha ang eksaktong bilang at kasapi ng bawat pamilya at ang nakuha ko nga ay 880 families. Di ko rin malilimutan ang pag-screen ng mga pamilyang makakasali sa SAP (Social Ammelioration Program) ng National Government na kung saan mula sa 880 families ang pipiliin ko lang ay 150 families. At ng utusan ng Quezon City Government na hanapin ang mga nag-qualify sa QC-SAP ay napakahirap dahil sa pamilyang 730 pipili nanaman ako ng 122 lamang. Ang maganda ay nagamit ko ang aking pagiging guro dahil nabuo ko ang mga kabataan na maging volunteers sa pag-re-repack ng mga goods at magamit ang oras ng kanilang kalakasan: 8pm-5am. Ang mga nanay sa iba't-ibang street ay nabuo ko rin na maging packers sa araw: 9am-5pm. Bilang Chairman ng BCPC (Barangay Committee for the Protection of Children) ay nagamit ko ang pondo para sa 300 families with children para makatanggap ng food (egg, milk, tocino) at 30 grocery items para sa mga children with special needs.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Madali at magaang harapin ang mga gawain sa barangay para makatulong sa COVID-19 kung mayroong sistema ang barangay, kung tama ang focus na serbisyong may pag-ibig at kawang gawa. Ilayo muna ang kaisipang pamumulitika na parang may pinag-hahandaan.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Sa panahon ng COVID-19, lumabas ang tunay na karakter at pag-uugali ng isang tao. Hindi sapat ang pakiramdam na nakapagsimba, nagbibliya, nagrosaryo at kung anu-ano pang ritwal kung hindi ito nagkaroon ng lamang espiritwal sa ating buhay.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London