PH FRONTLINERS - Menchie


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.


MAYOR/DRA. MENCHIE - LA UNION, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Bilang isang doktor na sumabak sa pulitika, tadhana siguro na ako ang nakaupong alkalde sa aming bayan. Hindi bago ang pagiging Frontliner para sa akin. Dalawampung taon rin ako nagtrabaho bilang isang radiologist. Until now, I make sure that I put in the same work ethic I had as a doctor, at sinisigurado ko rin na mahusay at masipag ang aking mga katrabaho. Sinisigurado ko rin na I do my part in keeping their spirits up, kasi alam naman nating nakakalugkot rin ang pagiging Frontliner sa panahong ito. Ngayon, nagagamit ko ang aking karunungan sa medisina sa paglilingkod-bayan. Sinisigurado namin na ang mga guidelines na ipinapasa ng local na pamahalaan ay may medical and scientific basis.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Una sa pamilya – asawa, mga anak, kapatid, nanay, pati na rin sa aking yumaong ama at kapatid. Siyempre pati na rin sa aking mga katrabaho, at sa mga mamamayan ng Bauang.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Perhaps the time na naglilibing ng mga PUI. Ayon sa guidelines, dapat mailibing ang mga PUI sa loob ng 12 oras after death. One time, nagising ako literally in the middle of the night dahil nagkagulo sa isang komunidad dahil may inililibing nang hatinggabi. The burial caused panic – may naaamoy daw na inaagnas, natatakot magkasakit ang mga tao, at hindi pa siguro informed ang lahat ng tao tungkol sa guidelines ng paglilibing. Pero nagkaroon naman ng dialogue the following day, and I was able to address the concerns of the community members.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

I offer my sincerest thanks, and I urge them to keep up the good work. Lagi kong sinasabi sa mga tao na wala tayo sa ordinaryong panahon. Alam kong takot tayong lahat magkasakit, but the least we could do is sumunod sa mga patakaran, practice proper sanitation procedures, eat healthy, and of course always pray. Para sa iba, nakakalungkot talaga magtrabaho – may mga iba hindi na makauwi araw-araw, naeexpose sa mga pasyente, at mayroon ding nagkasakit at yumao na. Kaya nacocontrol ang pandemiya dahil sa kanilang mga sakripisyo. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa aking kapwa frontliners. They are always in my prayers.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Una, sumunod tayo sa protocols ng gobyerno – social distancing, paggamit ng face masks, pananatili sa tahanan kung hindi naman kailangang lumabas. These are not ordinary times. Lahat tayo ay dapat magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami. Ikalawa, use the time productively – catch up on your studies, pursue new hobbies or hone old skills, and spend time with the family. Ikatlo, sa panahong ito, we need to be cautious on how we process information. Maging maingat sa fake news at makinig sa mga announcements ng DOH. Kapit lang. Onting pasensya lang. Tulong-tulong tayong lahat upang matapos na ang problemang ito. Huli, always pray. Sa Panginoon, walang imposible.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London