PH FRONTLINERS - Maycee


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



MAYCEE - SAN JUAN CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Nakakapagod, mahirap, at nakakatakot dahil hindi mo alam na pwede ka din mapahamak pati na ang pamilya mo. Pero nagkakaroon ako ng self-fulfillment, masarap sa pakiramdam kapag nakakatulong ka sa ibang tao sa maliit na paraan.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Sa aking pamilya kasi alam ko para din sa anak ko itong ginagawa ko.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Yung kahit sobrang init at pagod, masaya kameng naiikot ang aming nasasakupan para mai-abot ang mga tulong para sa aming mamamayan.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Sa mga kasamahan ko sa barangay, maraming salamat sa walang sawa niyong pagtulong. Laban lang tayo. Hindi tayo papabayaan ng Maykapal.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Ugaliing sumunod sa mga alituntunin ng gobyerno. Disiplina sa sarili at magdasal sa panginoon.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London