PH FRONTLINERS - Maricor


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



MARICOR - KUWAIT, MIDDLE EAST

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Mixed emotion yung feeling especially if you are in a medical field. As a Frontliner - Derma nurse, nakakatakot siya kasi hindi namin alam kung nasaan na ang kalaban o naka-nino yung kalaban kasi kapag tinamaan ka ng COVID-19 at nasa malayong lugar ka, malayo ka sa pamilya mo, kahit sa huling sulyap nila sayo ay hindi ka nila makikita, uuwi ka nalang na abo na. Kaya sa araw-araw na pumapasok ako sa trabaho, I always pray to God that He will protect me or us from the disease.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Everyday I always talk to God na ilayo niya ako sa kahit na anong sakit or sa COVID-19 kasi may anak ako na nag-hihintay sa akin sa Philippines na siya rin ang ginagawa kong inspirasyon. Siya ang pinagkukuhanan ko ng lakas sa kabila ng lahat ng nangyayari. Siympre, ang mga friends and families ko din na nagpapalakas din ng loob ko at laging nagsasabi na mag-ingat ako. Dahil bandang huli after ng COVID-19 na ito magkikita-kita ulit kami.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

For almost 2 months nawalan ako or kami ng trabaho because of COVID-19 and that is no work no pay policy in my company. Sa haba ng panahon na nawalan kami ng work nasanay kami sa everyday routine na ginagawa namin sa bahay like kain-tulog, anything na makapag-relax ng mind or libangan. But the day before we go back to work. Nag-briefing kami with my doctor and the staffs. That day all of us nakita ko sa mga mukha nila na kinakabahan sila para sa kakaharapin naming laban sa susunod na araw. Even my doctor natakot din siya kasi once na may mahawaan or makakuha ng COVID-19 sa isa sa mga kasama ko, lahat damay at magsasara ulit kami. Wala na kami maitutulong sa mga pamilya namin sa Philippines at mag-aalala na sila para samin.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Katulad ng lagi kong sinasabi sa sarili ko, think positive. Always pray. Kayo lang din ang makakapag-protect sa mga sarili niyo. Palaging mag hugas ng kamay, wear mask or wear PPE.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Mahirap ang kinakaharap ng mundo ngayon. Be careful and be responsible enough, hindi biro ang COVID-19. And don't forget to pray. ALWAYS! Because God will never leave us. Take care everyone! Stay safe!


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London