PH FRONTLINERS - Ma. Theresa


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



MA. THERESA - MAKATI, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Sa panahong ito ng COVID-19 pandemic, patuloy pa din akong nag-re-report sa trababo bilang Hospital Compounding Pharmacist, ako ang nag-pe-prepare ng mga IV Admixtures ng mga COVID-19 patients namin. Nag- aadmix ng Total Parenteral Nutrition ng aming mga in-patients at nag-co-compound ng chemotherapy medications ng aming mga cancer patients sa hospital. Napakahirap kasi hindi mo alam yung mga nakaka-salamuha mo sa ospital at sino ang may virus na.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Humuhugot ako ng inspiration sa aking tatlong anak na lalaki na edad 9,18 at 22 at sa aking nanay. At saka sa mga pasyente naming nanga-ngailangan ng aking serbisyo bilang isang Frontliner na nagtatrabaho sa isang gobyernong ospital.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Ito yung pakiramdam na parang dika na makakauwi sa pamilya mo kasi wala kang masakyan pauwi, at yung takot na baka meron ka ng virus sa katawan mo na kayang malipat sa bawat miyembro ng pamilya. Sa katunayan sa video calls ko na lang nakikita ang mga anak ko at nanay ko kasi 9 na linggo na akong hindi nakakauwi sa kanila sa Pampanga.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Sa mga kasama kong Frontliners sa ospital, patuloy lang tayong magsilbi ng buong puso at katapatan sa ating sinumpaang tungkulin dahil sa kabila ng lahat ng ito, ang Diyos na ang bahala sa lahat, basta binigay natin lahat ng makakaya natin para makapgsilbi sa mga pasyenteng nanga-ngailangn ng ating tulong. Kakayanin natin lagpasan nag pandemyang ito basta magkakasama tayo sa laban na ito.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Sa mga taong hindi pa lubusang nai-intindihan ang epekto ng pandemyang ito ng COVID-19, sana sumunod lang tayo sa pinag-uutos ng pamahalaan para hindi na dumami pa ang maging positibo sa virus. Kung hindi rin lang emergency, huwag munang lumabas sa mga bahay para maiwasang mahawaan kasi hindi ninyo alam kung sino sa mga makaka-salamuha ninyo ang meron na kahit wala siyang sintomas at hindi pa na-swab test. At higit sa lahat sa panahong ito, isa-isip ninyo na bawat tao sa paligid ninyo maging ang kapamilya ninyo ay positibo sa virus para maging ma-ingat tayo sa ating mga sarili at ng hindi na kumalat pa ang pandemyang ito. Kasi kapag ganun ang iniisip natin mai-iwasan pa ang pagdami ng mga positibo dahil nagiging aware tayo sa hirap na dinudulot ng sakit na ito.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London