PH FRONTLINERS - Kina


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



KINA - ANTIPOLO CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Ngayong panahon ng pandemic, mas mahirap. Kasi hindi lang pagod binubuno ko ngayon sa araw-araw. May kasamang takot at pangamba, hindi lang para sa sarili ko, kung hindi para sa pamilya ko at sa mga taong nakaka-salamuha ko. Baka may sakit na akong bitbit sa paguwi ko, kaya hindi lang doble, sapagkat triple ang ginagawa kong pag-iingat. Pero at the end of the day, fulfilling pa din as always. Yung tumataas na bilang ng mga gumagaling? That's what keep us going.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Sa sinumpaang tungkulin ko. Bata pa lang kasi ako alam ko na ito na yung gusto kong gawin. Kaya ngayon na mas kailangan kami ng nakararami, yung sinumpaan ko ang nagiging inspirasyon ko. I made a commitment to God. Yun ang unang linya sa Nightingale's Pledge. "I solemnly pledge myself before God"


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Noong unang pumutok itong pandemic, hindi ganun ka-capable yung ospital namin na mag accomodate ng mga PUI patients. Handa kami, pero hindi talaga kaya, facility and manpower wise. Kaya kapag kailangan i-admit ang pasyente, kailangan namin ilipat sa mga COVID-19 referral facilities, na punong-puno ng mga panahon na yun kaya napakahirap. Sinisikap naming itawid sila, given the lack of supplies and manpower that time. Merong success stories, merong may mga hindi pinalad na inabutan na lang. Hindi ko makakalimutan yun dahil doon talaga ako namulat kung gaano kahirap ang Healthcare system sa bansa natin. On the other hand, hindi ko din makakalimutan yung appreciation na ipinakita sa amin ngayong panahon na ito. Mula sa pag-donate ng food and supplies hanggang sa mga simpleng bagay tulad ng mga tumutulong sa amin na makauwi noong hirap pa ang transportation. Ultimo taga-hatid ng gulay willing kami isakay para hindi kami maglakad ng malayo! Nakakatuwa lang.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Laban lang guys! Kahit mahirap pagsilbihan ang nakararami dahil napaka-pasaway at meron parin tingin hindi natin deserve ang appreciation, just keep on going. Mas madami padin namang nangangailangan sa atin, sila ang isipin natin. At pasasaan, matatapos din ito. There's always a light at the end of the tunnel.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Please stay at home. Yun po ang tangi naming hiling. Clichè, I know, pero yun po talaga. Gustuhin man namin magsilbi sa abot ng aming makakaya pero ayaw po namin umabot sa punto na pati kami ay bibigay na. Kaya please po,tulungan nyo din po kami,para mas makatulong pa po kami sa inyo.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London