PH FRONTLINERS - Jun


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



JUN - SAN JUAN CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Bilang Kagawad na kasalukuyang may tasks sa Barangay Disaster Risks Reductions and Management Committee at Environmental and Solid Waste Management Committee, malaki ang naging tungkulin ko na magsagawa ng information drive tulad ng paggawa at pamamahagi ng pamphlet at aktibidad sa aming Day Care Center pupils at kanilang mga magulang, regarding sa proper personal hygiene at Novel Coronavirus o COVID-19. Malawak at regular na pagsasagawa ng disinfectant operations sa mga kalye, looban, mga business establishments, condominium at townhouses ang pangunahing tungkulin ng bagong tatag na Disinfectant Operation Teams na pinamunuan, kaalinsabay ang pakikipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protections ng San Juan City, mga Fire Volunteers mula sa iba’t-ibang lungsod ng Metro Manila para matiyak na lahat ng kalye ay ma-disinfect. Naging katuwang ako ng Barangay Health Emergency Response Team o BHERT na pinamumunuan naman ni Kagawad Hilda Bautista sa contact tracing at sa pagsasagawa ng disinfectant operations sa mga tahanan o lugar na may mga confirmed COVID-19 cases.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Ang aking anak at pamilya ang inspirasyon ko habang nagsasagawa ng physically and mentally draining na tungkulin bilang isa sa frontliner ng aming barangay. Palagi kong iniisip na ang pagtitiyak na ang buong komunidad ay ligtas sa pagkalat ng COVID-19 ay pagtitiyak din na ligtas ang mga mahal ko sa buhay.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

May pagkakataon na halos mag-collapse ako habang nagsasagawa ng spraying ng disinfectant mula sa basement parking paakyat sa ika-limang palapag ng isang condominium na gamit ang hagdanan ng building. Dahil sa napaka-init na Personal Protection Equipment tulad ng full body gown, face mask at face shield, nawalan ako ng hangin na masagap at ang buong kapaligiran ay punong-puno ng kemikal mula sa misting machine na ginagamit ko. Bago pa man ako mawalan ng malay ay madalian kong tinanggal ang face mask at face shield habang bumababa sa condominium. Malaking tulong ang mga nakuha kong training sa mga disaster management at rescue operations para magampanan ng maayos ang tungkulin sa panahon ng pandemic ng COVID-19.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Sa simula pa lamang ng General Community Quarantine, lalo na ng ibaba ang Enhanced Community Quarantine, I always advised my colleague in barangay, na higit na pag-ingatan ang sariling kalusugan, sapagkat ang laban sa pandemic ng COVID-19 ay isang matagalan. Kung may pag-iingat sa sariling kaligtasan, mas higit kaming makakapagbigay ng serbisyo sa aming komunidad. At ang pagtitiyak na uuwi sila sa kanilang mga pamilya na nag-iingat tulad ng paghuhugas ng kamay, mukha, mga gamit sa paa tulad ng tsinelas at sapatos.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Batid ng lahat na ang COVID-19 ay nagpabago sa lahat ng normal na ating kinamulatan. Hindi na maaaring bumalik pa tayo sa dati nating kinagawian, ang kaligtasan ng indibidwal ay nakasalalay sa pagkaka-isa ng lahat. Hindi maaaring maging ligtas ang isang tao, kung maraming tao ang isasawalang bahala ang pag-iingat tulad ng pagsusuot ng facemasks, regular at wastong paghuhugas ng mga kamay at wastong etiketa sa pagbahing. Nais ko din ipaalala sa lahat na ipagpatuloy ang nasimulan at umusbong na volunteerisms sa lahat ng hanay o sektor ng ating lipunan hanggang sa hinaharap, hindi tayo dapat tumigil na tumulong at makisangkot sa mga kaganapan sa ating paligid, sapagkat ang ating ginagawa ngayon ay para sa susunod na henerasyon. Hindi tayo magtatagumpay sa laban na ito kung magiging kanya-kanya at makasarili. Ang panawagan sa panahon ngayon ay umaksyon.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London