PH FRONTLINERS - Judee


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



JUDEE - ISABELA, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Bilang isang Frontliner, mahirap ang trabaho naming dahil inaalala naming ang kapakanan ng mga tao.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Humuhugot kami ng inspirasyon sa mga tao lalo na sa aming mga pamilya.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Ang experience na hindi ko makakalimutan sa aking trabaho habang kasagsagan ng COVID-19 ay ang makita ko ang paghihirap ng mga tao lalo na’t kapag gusto nilang lumabas para magtrabaho para sa pamilya nila. Dahil kapag hindi sila makapag-trabaho, wala silang maipakain sa pamilya nila lalo na dito sa probinsya.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Ang masasabi ko lang sa mga kasama ko na Frontliners na patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19, huwag po tayong susuko, may awa ang Diyos para sa ating lahat. Manalangin tayo na makaraos tayong lahat ngayon sa COVID-19.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Ang gusto kong ipaalala sa mga tao na makakabasa ng message na ito, sana maalala nila kung gaano kahalaga ang buhay na dapat pag-ingatan.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London