PH FRONTLINERS - Jonjie


MGA Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.


Please #SHARE their #STORY

JONJIE - London, United Kingdom

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO BILANG ISANG FRONTLINER?

Ang masasabi ko sa trabaho ko bilang Frontliner ay mahirap dahil kami lahat ay risk sa virus katulad ko na naging positive sa COVID-19. Nararamdaman namin na para kaming nasa giyera na walang armas dahil kulang ang aming kagamitan. I do not know if I am safe in saving lives affected by this pandemic due to lack of PPEs nor a proper one pero dahil sa sinumpaan kong trabaho at malasakit ko sa ibang tao kailangan kong lumaban kasama ng mga kasama ko para mag-save ng buhay dahil sa pandemyang ito.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Iisa lang ang pinaghuhugutan ko ng inspirasyon or lakas kundi ang ating mahal na Panginoon, because without Him I am nothing especially when I found out na I am also positive with COVID-19. I became positive with myself because I believed that God knows and He is the great doctor in spite of my shortcomings, also my family and true friends who sent their well wishes.


3. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAONG NA NAKAKABASA NG MENSAHE MO NGAYON?

Message ko sa mga nakababsa nito ay never underestimate God's presence, kasi without Him we are nothing and this is the right time for all of us to go back in Christ. This is an awakening for all of us. And as a Frontliner, I will continue to help others to battle this great battle, and we want all of you to take part of this battle kaya please stay at home.. Huwag ng matigas ang ulo lalo na sa Pilipinas sumunod na lng tayo sa patakaran ng gobyerno. Lastly, read your bible and pray instead na mga bagay na hindi dapat gawin, maging inspirasyon dapat sa iba kaya. stay safe everyone. Laban at magtulungan tayong lahat.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London