PH FRONTLINERS - Jericho


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



JERICHO - SAN JUAN CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Napakahirap maging volunteer o maging isang Frontliner dahil hindi mo alam kung anong araw o oras dadapo sayo yung sakit, pero kailangan mo pa ring maglingkod at gawin ang iyong tungkulin para sa mas nakararami.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Humuhugot ako ng ispirasyon sa mga doktor, pulis, nurse at mga traffic enforcer na nagpapatuloy para lang mailigtas ang mamamayan, kaya ako ay nag-volunteer na kahit walang sweldo basta maka-dagdag ako ng tulong, gagawin ko.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Nung maghatid kami ng may mga simtomas ng COVID-19 sa hospital, may kaba dahil baka makakuha ako at ang mga kasamahan ko ng virus sa hospital.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Huwag tayong mawawalan ng lakas ng loob, basta alam niyong makakabuti, ipag-patuloy lang ang laban lalo na’t mas maraming nangangailangan sa atin ngayon.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Paalala ko lang sa mga tao na sana isipin natin ang paghihirap at sakripisyo ng lahat ng mga Frontliner at nag-bubuwis ng buhay, dahil kaming mga Frontliner iniisip din namin kayo kaya namin ginagawa ito.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London