PH FRONTLINERS - Jeanelle


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



JEANELLE - QUEZON CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Nakakatakot kasi hindi mo alam kung anong mangyayari sayo paglabas mo ng bahay pero kailangan lakasan yung loob kasi ngayon kami mas kailangan ng taong bayan.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Unang-una kay Lord, kasi alam ko hindi niya tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kayang lagpasan, at sumunod ay sa aking pamilya na patuloy na nagdadarasal at sumu-suporta sa akin bilang isang Frontliner.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Nakakataba lang ng puso na may mga tao na ngini-ngitian ka, sumasaludo sayo at nagpapa-alala na mag-ingat ka sa trabaho kasi ramdam mo yung pag-suporta nila sayo ngayong kasagsagan ng COVID-19.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Saludo ako sa mga Frontliners na katulad ko na hindi sumusuko at patuloy na lumalaban sa pandemic na ito. Alam ko matatapos din ito, kapit lang!


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Please stay at home kung wala namang importanteng gagawin sa labas ng bahay, laging maghugas ng kamay, palakasin ang pangangatawan, at mag-suot ng face mask kasi hindi natin alam kung ang nakaka-salamuha natin ay positibo na sa COVID-19. Sana din, iwasan natin ang diskriminisasyon sa mga Frontliners, dahil kayo dapat ang kasangga namin at COVID-19 ang kalaban natin.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPA?K Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London