PH FRONTLINERS - Hilda


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



HILDA - SAN JUAN CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Bilang Frontliner ito ay pagkakaisa, bayanihan at pagtulong sa mga kabarangay namin laban sa gitna ng banta ng COVID-19. Ito ay bilang pagsuporta sa mga taong mas kailangan kami ngayon.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Sa pamilya at sa mga mahal ko sa buhay, at sa Diyos.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Madaming experience na hindi namin makakalimutan. Yung takot, yung saya, yung araw-araw na kailangan kami ay lumaban. Kahit minsan may takot na baka makapitan kami ng virus at magkasakit kami. Pero sa kabila ng takot na yan nandoon po yung saya na napagsilbahan mo at natulungan mo ang mga taong nakapaligid sa amin.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Dasal at pananalig sa Diyos ang sandata nating mga Frontliner.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Magtulungan po tayong lahat, Frontliner man o hindi. Tayo po magtulungan at magdasal na nawa’y matapos na ang krisis na ito.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London