PH FRONTLINERS - Helen


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



HELEN - PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Bilang isang Frontliner hindi madaling pumasok sa araw-araw dahil iniisip mo na pwede mong mai-uwi at ma-ihawa sa pamilya mo ang virus, pero ang pagiging nurse ay isang calling para mag-lingkod sa kapwa lalo na sa ganitong sitwasyon. Isang malaking achievement sa amin ang mapabilang sa mga miyembrong tumutulong upang sugpuin ang COVID-19.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Kay Lord Jesus at sa pamilya ko.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Isang pasyente po ang nag-aagaw buhay at kailangan namin itong i-revive. Ang pag-susuot ng PPE ay napakahirap kumilos, yung faceshield ay nag-bu-blurred dahil sa moist na mahihirapan kang makakita. At yung panganib na pwede kang mahawaan ng sakit.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Gabayan nawa tayo ng Diyos at protektahan niya tayo sa lahat ng sakit.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa. Sa gitna ng panganib, nabuo natin ang pagka-kaisa at pag-tutulungan. Hindi lang laban ng Frontliner ito, kundi laban nating lahat. Sa tulong ng Diyos, malalagpasan natin ito.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London