PH FRONTLINERS - Enly


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



ENLY - LONDON, UNITED KINGDOM

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

As a Founder and Chairman of Casilleras Charity Organisation, UK, ramdam ko ang hirap ng mawalan ng trabaho ang iba naming miyembro, lalo na kung sila ay may anak ng dahil sa lockdown. Iyon ang naging inspirasyon ko upang simulan ang pamimigay ng ayuda sa mga bulnerableng Pilipino dito sa London, subalit ang lahat ng ito ay kaya nating labanan kapag tayong lahat ay may pagka-kaisa. Taos puso akong nagpa-pasalamat sa lahat ng miyembro at suporter ng Casilleras upang patuloy po naming ma-suportahan ang STAY@HOME-SAVE LIVES project na aming inilunsad a day after lockdown.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Pinag-huhugutan ko ang personal kong karanasan dahil anak ako ng mahirap, at ramdam ko ang kalam ng sikmura ng kapwa ko.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Ang hindi ko puwedeng makalimutan na karanasan sa kasagsagan ng COVID-19 ay yung mga kahandaan na ginagawa ko sa mga importanteng papeles na hindi ko dati iniisip, at kung paano hindi maiiwan ang lahat ng Casilleras members kung sakaling magkaroon ng isang sakuna na hindi inaasahan. Bilang isang namumuno o parang magulang sa kanila, sinisigurado ko na ang mga miyembro sa umaga pa lang ay sumasagot sa akin ng “HELLO!”, and that means a lot to me.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Laban lang and be safe. Protect yourself first, so that, you can help more people who are in need.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Let’s all PRAY, forgive and forget, then spread LOVE, so that it will be easy to SHARE what you have.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London