PH FRONTLINERS - Elou


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



ELOU - QUEZON CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

I have no choice; it is a call of duty.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

First kay God, everyday parati ko dinarasal na sana bigyan niya kami ng lakas at karunungan para malagpasan yung pagsubok na kinakaharap namin, gawin niya kaming instrumento para pagalingin yung may mga karamadaman, at naway ilayo niya rin kami sa kapa-hamakan at mga sakit lalo na sa COVID-19. Secondly, siyempre sa family ko.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Siguro yung recently na na-experience ko at first time ko ring ma-experience ay yung nagre-revive kami ng 5 days old na baby. Yung nakikita mo na lumulubog yung dibdib niya habang nag-c-CPR kami sa kanya, and thanks God dahil na-revive naman namin siya.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Kaya natin ito at malalagpasan natin ito, basta kasama natin si Lord.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Please stay at home to save Frontliners’ lives.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London