PH FRONTLINERS - Edwin


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



EDWIN - MANILA, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Masaya po ako na nakakatulong sa ibang tao, pero ako po’y walang trabaho ngayon. Ako po ay merong facebook page kung saan ako po ay parang taga-hatid lang ng tulong galing sa mga followers ko po. Kumpara po sa mga totoong Frontliner, mas gusto ko pong ibahagi sa kanila ang credit sa pagiging Frontliner buong maghapon at magdamag.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Ang inspirasyon ko po ay nanggagaling sa mga tunay na Frontliners. Mas bilib po ako sa mga nagtatrabaho na Frontliner sa mga ospital, sa airport, mga checkpoint at lahat ng mga taong nasa kung saan-saang ahensya ng gobyerno, mula umaga hanggang gabi at minsan hindi na sila umuuwi para lang sa serbisyo ng mga kababayan natin na naka-quarantine, pati rin po ang mga delivery services na siyang nagbibilad sa araw para maihatid ang mga pagkain na order ng mga kababayan natin.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Hindi po ako nag wo-work as a Frontliner, isa lang po akong

pilipino na nakaisip ng paraan pano ko po mapapakinabangan ang facebook page ko para makatulong sa ibang tao at the same time ay nai-papakita agad

sa mga kaibigan ko sa ibang bansa kung saan po napupunta yung

mga tulong nila na ipinadala para sa mga kababayan natin.


Kasalakuyang stranded in Boracay Island for 44 days


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Saludo po ako sa mga kababayan natin na Frontliner na ipinagpalit ang oras nila sa pamilya para sa serbisyo sa mga kababayan natin.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Huwag po natin kalimutang magbigay ng tulong kahit po sa maliit na paraan. Umpisahan po natin sa mga kapitahay natin at mga ka-facebook natin na nanga-ngailangan. Sa panhon po ngayon kahit maliit na tulong ay malaking bagay na po para sa ibang nanga-ngailangan.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London